• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada, aprubado na ang mga desisyon ni Daniel Padilla

Karla Estrada, aprubado na ang mga desisyon ni Daniel Padilla

Bilang Ina din, ito din daw ang isa sa paraan ni Karla na subukin ang pagiging independent ng kanyang anak.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/22/2019 2:25 PM
Karla Estrada, aprubado na ang mga desisyon ni Daniel Padilla


Photo Credit: @karlaestrada1121 on IG

Inamin ng Magandang Buhay host na si Karla Estrada na hands-off na raw siya ngayon sa mga desisyon ng anak na si Daniel Padilla pagdating sa personal na buhay nito.

Kuwento niya, ipinubaya na niya sa anak ang karapatan nito na magdesisyon lalo na pagdating sa kinabukasan nito.

"Sa pagplano ng future niya, kanya ‘yon. Kasi kahit ano naman ang sabihin ko, kung ano ang gusto niya, ‘yun ang masusunod,” pahayag ni Karla sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

At bilang nanay, hindi pa din daw nawawala ang suporta niya sa mga ginagawang desisyon ni Daniel sa kanyang buhay.

“Ako talagang andito lang para gumabay lang. Comment lang nang konti, bibigyan mo lang ng ideas. But at the end of the day, it's his decision, actually. Dapat masunod sa kanya.”

Bilang ina din, ito daw ang isa sa paraan ni Karla na subukin ang pagiging independent ng kanyang anak.

“Dapat ma-exercise na niya ‘yon, hindi naman habangbuhay andito ako. Maganda naman na at their young age, hinahayaan na natin silang mag-decide kasi ‘yung independence, very important and ‘yung pagiging responsable, higit sa lahat,” paliwanag niya.

Alalay na lang din ang ibinibigay ng Magandang Buhay host kay Daniel pagdating sa relasyon nito kay Kathryn Bernardo at sa showbiz career nito.

“Simula nang nag-18 siya, hindi na ako masyado [nakikialam]. Pinababayaan ko siya. ‘Pag may gusto siyang sabihin, 'Okay anak, okay ba ‘yan sa ‘yo?’ Or, ‘Masaya ka ba diyan?' Ganun na lang.”