• Home
  • Fresh Scoops
  • Ina ng child actress na pumanaw dahil sa dengue, may mensahe sa mga magulang

Ina ng child actress na pumanaw dahil sa dengue, may mensahe sa mga magulang

‘Maging cautious na sila, na hindi pala porke nawala na yung lagnat okay na pala yun,” ito ang mensahe ng ina ni Sophie Corullo para sa mga magulang. Pumanaw ang child actress dahil sa severe case of dengue.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/22/2019 1:46 PM
Ina ng child actress na pumanaw dahil sa dengue, may mensahe sa mga magulang


Sa ulat ng TV Patrol, lubos ang pighati ni Angeli Corullo, ina ni child actress Sophie Corullo na pumanaw sa severe case ng Dengue nitong nakaraang Linggo, August 18. Six years old lang si Sophie.

READ: Child star na si Sophie Coruello, pumanaw na

“Lahat ng pangarap niya para sa mga kapatid niya (wala na)… Nung last na taping nga niya, sabi niyang ganun, ‘Mommy, yung kinita ko bigay mo kay ate pambayad niya yun sa school,’” kwento ni Angeli na hindi napigilang umiyak sa biglaang pagpanaw ng anak.

May bilin din siya para sa mga magulang. “Maging cautious na sila na hindi pala porke nawala na yung lagnat okay na pala yun,” ani Angeli.

Hindi naman mabitawan ng lola ni Sophie na si Corazon Castro ang laruan na iniwan sa kanya ng apo. “Hiningi ko nga nun sa Diyos, nung Saturday na yun, ako na lang ang kunin, wag si Sophie,” ayon sa lola na lubos rin ang pagkalungkot.

Dinalaw pa daw siya ng apo ilang araw bago ito magkasakit. “Nung last dalaw niya tumatakbo pa siya sabi niya, ‘owa dito na ako uli titira sa bahay niyo,’” kwento pa ni Corazon.

Bago namaalam si Sophie, umere pa ang episode ng Maalaala Mo Kaya, August 17, kung saan gumanap siyang bilang batang Yen Santos.

Isa rin si Yen sa nakikiramay sa pagkamatay ng child actress.

Ayon pa sa ulat, may 188,567 cases of dengue na ang naitala ng Department of Health sa Pilipinas mula January hanggang August 3.