• Home
  • Fresh Scoops
  • Hashtags Wilbert Ross at Kid Yambao explain special friendship with Vice Ganda

Hashtags Wilbert Ross at Kid Yambao explain special friendship with Vice Ganda

Hashtags Wilbert Ross at Kid Yambao, ipinaliwanag kung anong klaseng friendship ang meron sila with the Unkabogable star Vice Ganda.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/22/2019 1:05 PM
Hashtags Wilbert Ross at Kid Yambao explain special friendship with Vice Ganda


Sa Tonight with Boy Abunda, maiinit na issue ang diretsang sinagot nina Hashtag members Kid Yambao at Wilbert Ross.

Una, inamin ni Wilbert na pinagselosan siya ng asawa ni Kapamilya star Anne Curtis na si Erwan Heussaff. Aniya, pinost niya kasi ang picture nila ni Anne kung saan “very close” sila sa picture. Kinausap diumano si Wilbert ni Anne kinabukasan at ayon sa binata ito ang sabi ni Anne: “Alam mo ba tinanong ka ni Erwan sa akin, ‘who’s that guy?’ Sabi niya, alam mo ba lahat sila Vhong (Navarro) kahit sobrang close (ko sa kanila), wala siyang paki. Tapos sa’yo talaga bigla siyang nag-text sa akin, who’s that guy?’

Pangalawang issue na sinagot ni Kid at Wilbert ang diumano’y insecurity ng Hashtags sa mga Bidaman winners. Ayon kay Kid at Wilbert hindi naman sila insecure sa Bidaman winners.  “Lahat naman po tayo nangangarap e. Ganun din naman ang ginawa sa amin nung (It’s) Showtime saka nung mga naunang Hashtags, so tanggap lang din po. Kasi bawat isa may pangarap naman po e,” paliwanag ni Kid.

READ: Hashtag Kid Yambao, okay lang sa kissing scene sa kapwa lalaki?

Ginagawa rin daw nilang motivation ang pagdating ng mga bagong “dreamers.” “Parang bigyan natin ng chance yung mga dreamers, kasi dumaan din naman kami dun e. So at least, okay meron ng bago. Kailangan nating mas gumaling sa lahat ng aspeto. Parang motivation din siya Tito Boy,” ayon naman kay Wilbert.

Pangatlong issue naman ang closeness diumano ni Wilbert, Kid at ilan pang Hashtag members kay Unkabogable star Vice Ganda. Sinabi ng dalawa na parang “nanay” na nila si Vice. “Parang hindi na totally kaibigan, parang nanay na po namin siya. Katulad ng pag mali kami sa isang bagay, pagsasabihan niya kami,” ani Kid tungkol sa espesyal na relationship nila sa Kapamilya star.  

Aminado rin si Kid na nagtampo sa kanya si Vice Ganda minsan dahil sa nang magluto ito ng adobo at pakainin sila nito ay sinabi ni Kid na masarap ito, pero ang totoo raw ay “maalat” ang adobo. “Akala niya kasi masarap talaga, nagsinungaling lang ako,” pag-amin ni Kid.  

Pinagmalaki rin ni Wilbert ang unang single niyang “Maari Ba?” Kasali naman si Kid sa pinakaaabangang teleseryeng Pamilya Ko.

READ:Hashtags member Wilbert Ross, to release original songs under Star Music