• Home
  • Fresh Scoops
  • First Idol PH winner Zephanie Dimaranan, pinarangalan ng mga kababayan sa Binan, Laguna

First Idol PH winner Zephanie Dimaranan, pinarangalan ng mga kababayan sa Binan, Laguna

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/22/2019 1:58 PM
First Idol PH winner Zephanie Dimaranan, pinarangalan ng mga kababayan sa Binan, Laguna


Photo Credit: @zephdimaranan on IG

Sa ulat ni MJ Felipe para sa TV Patrol, isang mainit na homecoming ceremony ang hinanda ng mga taga-Binan, Laguna para sa pride ng kanilang bayan na si Zephanie Dimaranan. Si Zephanie ang first ever Idol Philippines grand winner.

READ: What was Zephanie Dimaranan’s winning edge?

Kinilala din si Zephanie bilang “kabataang may kagalingan sa sining at kultura.” Overwhelmed naman si Zephanie sa engrandeng pa-welcome ng mga kababayan.

“Yung kilalanin ka ng sarili mong hometown, siyempre po sobrang saya. Kasi ever since po sobrang supportive na sila sa akin and ngayon po binigyan po nila ako ng parangal,” ani Zephanie.

Malaki ang pinagbago ng buhay ni Zephanie simula tanghaling kauna-unahang Idol Ph winner. Bukod sa mga premyong nakuha ay sunod-sunod na projects na rin ang nakalinya para sa young singer. Kasama na rito ang isang album.

“Siyempre nagkaroon ng busy na schedule, mas maraming nakakilala. Yung mga dating hindi mo kakilala, mas makikilala mo sila ngayon,” ani Zephanie tungkol sa ilan pang mga pagbabago sa buhay niya.  

Sa Sabado, August 24, may libreng pa-homecoming concert si Zephanie sa Binan Multi-Purpose Hall Plaza, Rizal bilang pasasalamat sa kanyang mga kababayan. At sa Sunday, August 25, formal nang iwe-welcome si Zephanie sa ASAP Natin ‘To.

READ:Moira dela Torre shares she is writing a song for Zephanie Dimaranan