• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray, ano ang plano sa huling bahagi ng kanyang reign bilang Miss Universe?

Catriona Gray, ano ang plano sa huling bahagi ng kanyang reign bilang Miss Universe?

a naging pagbisita ni Catriona Gray sa Pilipinas, sinabi niyang aim niya ay ‘to give back’ sa kanyang nalalabing panahon bilang Miss Universe.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/22/2019 2:05 PM
Catriona Gray, ano ang plano sa huling bahagi ng kanyang reign bilang Miss Universe?


Bittersweet para kay Catriona Gray ang nalalapit na pagtatapos ng kanyang reign bilang Miss Universe.

Sa naging pagbisita ng 2018 Miss Universe Sa Pilipinas, isa sa naging usapan ang kanyang plano sa nalalabing panahon niya bilang reyna.

“Yeah few months left na lang for my reign, but no slowing down. It’s really my aim to make the tone of my whole year to be about giving back, to be about purpose,” aniya sa panayam.

“Working with different organizations, working with different charities, that’s how I define the success of my year and that’s what I’m really pushing forward this last few months, just as I have the year too,” dagdag niya.

Dito, ibinahagi din ni Cat ang kanyang suporta sa mainit na usapin ngayon na karapatan ng LGBTQ+ community.

Matatandaan na kamakailan lang, pinag-usapan ang tila hindi naging maayos na pagtrato ng isang mall peronnel sa transwoman na si Gretchen Diez na gumamit ng CR na pambabae.

READ: Catriona Gray shows support for the Anti-Discrimination SOGIE bill

“I think we need to educate the people of our rights were actually fighting for because there still remains a lot of ignorance, a lot of misunderstanding, so we need to educate people,” pahayag ni Cat.

Inaasahan na sa darating na Nobyembre, balik Pilipinas ulit ang beauty queen para sa isang charity event ng Frontrow.