• Home
  • Fresh Scoops
  • Cathy Garcia-Molina, ikinalulungkot ang pamimirata ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Cathy Garcia-Molina, ikinalulungkot ang pamimirata ng ‘Hello, Love, Goodbye’

“Nakakalungkot mang isipin pero sana nare-realize nila na sila rin ang eventually ang papatay sa industriya if they don’t stop it,” ani Direk Cathy Garcia-Molina sa talamak na pamimirata ng kanyang pelikulang “Hello, Love, Goodbye”.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/22/2019 4:02 PM
Cathy Garcia-Molina, ikinalulungkot ang pamimirata ng ‘Hello, Love, Goodbye’


Photo Credit: @starcinema on IG

Aminadong hindi makapaniwala ang direktor na si Cathy Garcia-Molina sa patuloy na tagumpay ng kanyang pelikulang Hello, Love, Goodbye halos isang buwan matapos itong unang ipalabas sa sinehan.

Nitong Biyernes, masayang ibinalita ng Star Cinema na pumalo na sa $2,132,000 ang kita ng nasabing pelikula mula sa sunud-sunod nitong international screenings. Bukod pa ito sa domestic gross ng Hello, Love, Goodbye na sinasabing umabot na sa mahigit P603 million.

“Ayoko lang kasi isipin nila that I am happy that it toppled movies, na maraming natalo. No. We would like to see it another way. [With the] overwhelming success of The Hows of Us, posible palang manood ang mga Pilipino sa atin nang ganun karami,” ani Cathy nang hingian ng reaksyon sa record-breaking success ng Hello, Love, Goodbye nitong Huwebes.

“Ito, nakakatuwa na dumikit. Hindi pa ako aware sa numbers but it’s getting there. It’s very very close to being the top-grossing Filipino film of all time, both internationally and locally. So, nakakataba ng puso kasi, ‘di ba, maraming nagsasabi na namamatay na ang industriya. I would like to say na hindi pa, lumalaban pa tayo. Ito pa, kumikita pa ang pelikula, kaya pala. Suportahan lang tayo ng mga kababayan natin. I am very happy because it only showed how much support they gave this movie, Star Cinema and the actors and everyone.”

Ayon kay Cathy, umaasa siyang aabot sa P1 billion ang overall na kita ng pelikula. Ngunit sapat na sa kanya ang makatanggap ng magagandang feedback mula sa viewers nito, maging sa loob man o labas ng bansa.  

“I would be a hypocrite to say na hindi ko ninanais. Pero kung hindi makarating, okay na. It’s not about the numbers, it’s about also the very good feedbacks we get, both locally and internationally. How much it opened their eyes, helped them realize more love for the family, relationships. Ang dami dami niyang naibigay. Things that sa amin lang na intensyon, na nakakatuwang naitawid naming at nakuha nila. So it’s more than enough para sa amin,” aniya.

Sinabi rin ng direktor na hindi nila kailanman inasahan ang matinding pagtanggap ng publiko sa Hello, Love, Goodbye.

Patuloy niya, “We wished na sana tanggapin. Pero hindi naming inaasahan ‘yung ganito kalakas na pagtanggap. ‘Yun pa lang, parang, ‘Wow’. ‘Yung gamble mo, ‘yung risk na tinake mo, it’s all worth it. Ngayon, mas nakakatuwa kasi mas pwede ka na pala talaga mag-mix and match, pwede ka na mag-eksperimento kasi mas open na ‘yung public, eh. Mas open na ang audience natin to new things, to combinations, to new stories, to medyo a little bolder story-telling… So, it’s a good thing for the industry.”

 

Ikinalulungkot man ni Cathy ang talamak na pamimirata ng Hello, Love, Goodbye, malaki naman ang kanyang pasasalamat sa patuloy na pagdagsa ng mga manonood sa sinehan upang suportahan ang naturang pelikula.

“Hindi na natin sila kayang pigilan. Nakakalungkot mang isipin pero sana nare-realize nila na sila rin eventually ang papatay sa industriya if they don’t stop it,” aniya.

“But still, despite that, people go to the cinemas. And I thank them for valuing the Filipino movies that we have. Kung wala ang supporta nila, mamamatay tayo,” dagdag niya.

Sa tanong kung tingin niya ay agad na masusundan ng sequel ang Hello, Love, Goodbye, na ipinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, sagot ni Direk Cathy: “I don’t think so. Normally, tayo, pahinga muna para iba naman.”

Samantala, ibinahagi ng direktor na hindi pa nagsisimula ang shooting para sa reunion film ng tambalang Piolo Pascual at Claudine Barretto na sinasabing gaganapin sa Italy.

“May mga bagay bagay… alam mo naman, until you have shot it, nothing is sure. Nothing is final. Parang may sumisingit na isang pelikula so hindi natin alam. [laughs] May usapan pa. In fact, I have several meetings this week. ‘Yun, baka maiba,” aniya.

Tikom man ang bibig sa kung sino ang makakatrabaho niya sa nasabing pelikula, sinabi ni Direk Cathy na malapit ito sa puso niya upang tumanggap pa ng additional na proyekto bago siya tuluyang mag-retiro.

“Nagpaalam na ako sa mga anak ko and they said yes. One more after or before Piolo project. [Posibleng huli ‘yung kay Piolo], in terms of sequencing,” aniya.

Matatandaang una nang nagpahiwatig ang direktor sa kanyang posibleng reunion kasama ang One More Chance star na si John Lloyd Cruz, na sa kasalukuyan ay naka-indefinite leave pa rin sa showbiz. Ito, matapos niyang kumpirmahin na nakatanggap siya ng surprise call mula sa aktor bago niya sinimulan ang shooting para sa Hello, Love, Goodbye.

Aniya, "Nag-usap kami ni Lloydie kasi na hindi kami gagawa ng pelikula. Pagbalik ko, siya yung first film ko. Iyon ang usapan namin.

"Tumawag kasi si Lloydie sa akin bago ko simulang itong pelikulang ito. Nagulat nga ako. Anong itong nababalitaan ko na magreretire ka na sabi niya sa akin. So natuwa naman ako. Ang usapan namin, pagbalik ko."