Child star na si Sophie Coruello, pumanaw na

Child star na si Sophie Coruello, pumanaw na

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/21/2019 9:45 PM
Child star na si Sophie Coruello, pumanaw na


Photo credit to @JAMS Artist Production Facebook Page

Pumanaw na ang child star na si Nina Sophie Gabrielle Corullo, o mas kilala bilang si Sophie, sa edad na anim na taon.

Kinumpirma JAMS Artist Production ang pagkamatay ng kanilang talent sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Huwebes, Agosot 21. 

Anila: "On behalf of JAMS Artist Production we are giving our most sympathy to the family and friends of Baby Sophia.

"We are asking for your help to pray for her soul to be in peace in heaven and guide and heal her family that is encountering downfalls; Her two siblings are in the hospital, one is diagnosed with dengue (critical) and one is under observation."

Nagbahagi rin ang talent agency ng isang tribute video para kay Sophie, na unang nakilala matapos niyang sumali sa sikat na segment ng "It's Showtime" na "Mini Me" noong nakaraang taon.

Huli siyang napanood sa "Maalaala Mo Kaya" nito lamang linggo bilang batang karaker ng aktres na si Yen Santos. 

Sa kanyang Instagram Stories, inialay ni Yen ang sucess ng kanilang episode para sa dating child star. Aniya, "This is for you, baby Sophie."