Original ASAP Coverboys, posible ba ang reunion?

“Anything is possible,” sagot ng isa sa mga original members ng ASAP Cover boys na si Rafael Rosell

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/21/2019 11:44 AM
Original ASAP Coverboys, posible ba ang reunion?


Photo credit: @ig @rafrafrosell IG and Coverboys Uncovered concert poster

Ngayong nagbabalik Kapamilya si Rafael Rosell, sinagot ng aktor kung may posibilidad bang magkaroon ng reunion ang sikat na boy group na kinabilangaan noon na ASAP Coverboys. 

Sa interview ng PUSH kay Rafael, sinabi nitong willing at magiging masaya siya kung makakasama niyang magperform ulit ang ilan sa mga ka miyembro nito tulad nila Jake Cuenca, Victor Basa, Ron Morales, John James Uy, Marvin Raymundo, Jon Avila, Zanjoe Marudo, at Will Devaughn. 

"Yea, anything is possible. I mean I would like to see those guys again, nami-miss ko nga silang lahat e. To be in a group again and do something entertaining for the people, yes of course," pahayag ni Rafael. 

Nabuo noong 2006 ang grupong Coverboys mula sa musical variety show ng ABS-CBN na ASAP. Dalawang taon matapos ang launching bilang opisyal na boy group, isang major concert naman ang pinagsamahan nila na pinamagatang, "Coverboys Uncovered".

Ayon kay Rafael, hindi man naging regular ang bonding ng mga miyembro, madalas naman daw na nakikita at nakakasalubong niya ang ilan sa mga miyembro nito sa iba't iba nilang ganap. 

"Si Jake, nakita ko sa gym, si Wil Devaughn naman kausap kong madalas yun at ka-chat sa Instagram, sila Zanjoe matagal ko na rin hindi nakikita e," kuwento ni Rafael.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Anything you say these days can easily offend or hurt people's feelings. So what do you do? Do you just not give an eff and keep on keepin it real or do you cater to the emotions of others by sugarcoating the truth? Anyway heres a shameless selfie to congrarulate Canada for a job well done up there . . Maybe our country will be intelligent enough to, at the very least, reschedule and make it available to patients in need. (Instead of all the killings) #JustAsuggestion✌🏼 But hey, all in due time... All in due "Filipino" time.😂 #SunKissed < #SunRaped #BurntAf #Congratulations #Canada #Cannabis #Legalized #Philippines #LezzGow #Medicine #ReSearch #Goverment

A post shared by Raf Rosell (@rafrafrosell) on

 

Maaalalang 2017 naman, isang bagong henerasyon ng Coverboys ang ipinakilala rin ng ASAP. Kinabibilangan ito nila Albie Casino, Tommy Esguerra, Luis Hontiveros, Clint Bondad, at Tanner Mata.

Read:EXCLUSIVE: Rafael Rosell, ikinuwento kung paano nagsimula ang adbokasiya niya sa medical cannabis

Read:Balik-Kapamilya Rafael Rosell, bibida sa bagong teleserye kasama sina Bea Alonzo at Richard Gutierrez

Sa kaniyang pagbabalik Kapamilya, isang teleserye ang aabangan kay Rafael Rosell, kung saan makakasama niya sina Bea Alonzo, at Richard Gutierrez. Wala pang update kung kailan ito ipapalabas.