Mga labi ni Gina Lopez, sinalubong ng daan-daang Kapamilya

‘Life has to move on, and be happy with life.’ This is what the late Gina Lopez told her ex-husband and kids before she passed.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/21/2019 4:50 PM
Mga labi ni Gina Lopez, sinalubong ng daan-daang Kapamilya


Sa ulat ni Jeff Canoy para sa TV Patrol, inuwi sa ABS-CBN ang mga labi ni environmentalist, philanthropist, at Kapamilya Gina Lopez.

Read:Gina Lopez passes away at 65

Sinalubong si Gina ng daan-daang Kapamilya; habang ang naghatid naman sa kanya patungo sa memorial service na inihanda para sa kanya ay ang mga mahal niya sa buhay. 

Ilan lang si Arvin Vicente at Johanna Santos sa mga nakatrabaho ni Gina at hindi nila napigilang umiyak sa pagpanaw ng isang taong iniidolo nila.

“Hanggang ngayon parang magkasama pa rin kami hanggang sa huli. Iba kasi yung turing niya sa amin. Hindi kami parang tauhan o cameraman (ka) lang. Para kang isang pamilya,” ani Arvin na 20 years naging cameraman ni Gina.

Binalikan naman ni Johanna ang mga masayang alaala kasama ang kanyang boss sa Bantay Kalikasan. “Si Ma’am Gina, mahilig maglaro. Lagi kaming naglalaro … kahit sa’n kami, ‘pag na-delay yung flight or wala pa yung barko. Mahilig kami magpatintero maghabulan… Gusto niya masaya. She’s very proud of the foundation and we should just carry on,” ani Johanna.

Hindi rin napigilan ni Ernie Lopez, kapatid ni Gina, ang maiyak nang maalala ang kapatid. “Hindi namin expected na mangyayari ito. Malungkot kami pero tingin namin may plano naman ang Diyos, may timetable. Kaya pala parating nagmamadali si Gina. Sa lahat ng ginagawa niya, gusto niya gawin kaagad,” kwento ni Ernie. 

Bumuhos rin ang luha ni Ernie nang gunitain niya kung gaano karaming Kapamilya ang nagmamahal sa kapatid. “Kanina nakita ko lahat ng mga Kapamilya, nakahilera para salubungin siya. Sabi ko nga sa kapatid ko si Mon-mon, nakita niya yung mga pictures ni Gina, naiyak siya. Sabi ko kay lang Mon, okay lang maiyak ka kasi nandito tayo sa ABS. This is a safe place. This is our home,” pagpapatuloy ni Ernie.  

Kinwento rin ng dating asawa ni Gina na si Sona Roy kung gaano kahalaga sa pamilya nila si Gina at kung paano ito nagbilin sa kanila na maging masaya sa kabila ng pagkawala niya. “This is a challenging moment for us. It’s a great loss. Gina is… she was the center of our family. Before she left, she already discussed with us life has to move on, and be happy with life,” aniya.

Katrabaho man, hindi kakilala o Kapamilya, lahat ay humahanga kay Gina Lopez para sa hindi matatawarang kontribusyon niya para sa bansa at sa mga Filipino.