• Home
  • Fresh Scoops
  • Janno Gibbs, inaming nagpresenta para siya na lang ulit ang gumanap na Pedro Penduko

Janno Gibbs, inaming nagpresenta para siya na lang ulit ang gumanap na Pedro Penduko

Magbabalik pelikula si Janno Gibbs sa comedy film na ‘Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo.’

BY GARY ANN LASTRILLA

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

8/21/2019 12:56 PM
Janno Gibbs, inaming nagpresenta para siya na lang ulit ang gumanap na Pedro Penduko


Photo credit: @jannolategibbs on Instagram

Isa si Janno Gibbs sa cast ng inaabangang VIVA Films offering na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na pagbibidahan din nina Andrew E. at Dennis Padilla.

Sa naganap na media launch ng pelikulang ito nitong Martes, Agosto 20, pinag-usapan ng mga bida kung paano naiiba ang experiences nila dito versus noong ginawa nila ang pelikulang Si Mokong, si Astig at si Gamol ‘nung 1997. 

Ani Janno, “Siyempre ‘yung kulit at ‘yung chemistry, hindi mo mabubura ‘yun. Nandoon pa rin.” Binanggit din ni Dennis na mayroon silang mga fight scenes dito na kayang kaya pa.   

Pagdating naman sa brand of comedy na i-ooffer nila sa proyektong ito, ibabalik daw nila ang old-school comedy.

“Ang sabi ni Boss Vic (Del Rosario of VIVA), ibabalik lang natin ‘yung dati niyong ginagawa. Retro, throwback, dahil di ba, kahit nga sa Facebook, makita niyo ‘yung Titos and Titas of Manila, grabe, so… Sabi ni Boss Vic, ibabalik natin ‘yung old comedy na ginagawa niyo noon. ‘Yung mga ginagawa niyo ‘nung solo-solo kayo. At saka ‘yung ginawa niyo ‘nung magkakasama kayo. That’s why, sabi niya, kailangan ang magdidirek din ng pelikula, veteran din sa comedy na ganitong klase kaya napunta kay Direk Al Tantay,” ani Dennis. 

Sabi naman ni Janno, “I think matagal ng walang… Kasi usually ngayon, rom-coms (romantic-comedy) di ba? Ang comedy, papunta na sa rom-com, cute. So I think naghahanap ang male audience ng for them naman, and this is it. Ayun ‘yung brand ng comedy namin.”

Natanong ng mga press pagkatapos ng launch si Janno tungkol sa pag-remake ng iconic movie na Pedro Penduko. Pinagbidahan niya ito sa dalawang pelikula noong 1994 at 2000. 

“Okay naman sa’kin. I think nag-eevolve pa siya. I think nag-back out na si James [Reid] because of injury so iba na yata ang gagawa.”

Nang itanong kung mag-a-appear siya sa proyektong ito, sabi ni Janno, “I’m not sure. Hindi ko alam kung mag-ka-cameo ako ‘dun sa bagong Pedro Penduko. Okay lang, of course. Iba na ang generation ngayon. They deserve their own Pedro Penduko.” 

Pag-singit naman ni Dennis, “I suggest, gawin nilang ‘Anak ni Pedro Penduko,’ di ba? So Pedro Penduko, Jr. na siya,” na sinang-ayunan naman ni Janno. “Kasi honestly, pwede pa rin naman akong gumawa ‘nun after may gumawa na bata ng Pedro Penduko,” aniya. “Actually, pwede pa akong gumawa ng sarili ko. Parang ‘yung si Wolverine, si Logan, di ba? Bumalik siya ulit na matanda na siya. I can still do that,” dagdag pa ni Janno.  

Nang tanungin kung sinuggest niya kung pwedeng siya na lang ang gumanap sa iconic character ulit, sagot ni Janno, “Nag-present din ako in all honesty. Ang direktor ko ‘nun, si Erik Matti. Nag-present ulit kami ni Direk Erik sa VIVA kaya lang meron nang naka-ready ang VIVA na ibang Pedro Penduko.”  

Sa ngayon ay ang aktor na si Matteo Guidicelli na ang napapabalitang magiging bagong Pedro Penduko
 
Mapapanood na ang kwelang trio na sina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E. sa pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo sa mga sinehan simula Setyembre 4.