• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Ted Boborol on real life Iska’s reaction to the movie: ‘Umiyak siya’

Director Ted Boborol on real life Iska’s reaction to the movie: ‘Umiyak siya’

Director Ted Boborol of Cinemalaya entry ‘Iska’ recounts how real life Iska reacted to the film.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/21/2019 5:00 PM
Director Ted Boborol on real life Iska’s reaction to the movie: ‘Umiyak siya’


Photo credit: @iskacinemalaya on IG

a digital conference na ginanap para sa mga Kapamilya writers at directors na nagwagi sa Cinemalaya 2019, sinabi ni Iska director Ted Boborol kung paano nag-react ang “house cleaner” niya nang mapanuod ang pelikula. Ang Iska kasi ay hango sa buhay ng naturang house cleaner na tawagin na lang nating Manang Iska. 

“Masaya siya at sobra siyang nagpapasalamat. Nandun siya sa gala. Umiyak siya, tapos nagpapasalamat siya kay Tita Ruby (Ruiz),” kwento di Direk Ted na direktor rin ng hit romantic movie na Vince and Kath and James.

Read:Kapamilya Stars, nagbigay suporta sa 'Iska' ni direk Theodore Boborol

 

More than a decade na rin daw nagta-trabaho para sa kanya si Manang Iska at nagsimula ang pagkakabuo ng Iska several years ago nang ikwento sa kanya ni Manang Iska ang tungkol sa buhay niya. 

Isang trivia rin ang shinare ni Direk Ted dahil aniya meron siyang kaibigan na dating Political Science student sa University of the Philippines Diliman, kung saan nagta-trabaho si Manang Iska bilang photocopier lady. Lawyer na raw ngayon ang naturang estudyante. 

Matapos daw mapanuod ang Iska saka lang nito nalaman na base ang pelikula sa buhay ni Manang Iska kung saan sila nagpapa-photocopy noong estudyante pa lang sila sa UP.

“After the movie, dun lang niya nalaman na based yun sa story ni Iska na kilala nila since College. Sobrang ang tagal niyang maka-move on kasi na-realized niya ngayong lawyer na sila… Sobrang kakilala nila si Iska nung student pa sila and yet hindi nila alam ang istorya ni Iska,” kwento ni Direk Ted tungkol sa nangyari.

“Na-guilty sila. Gusto nilang kunin ang number ni Iska. Gusto nilang puntahan,” ani Direk Ted. 

“Nakakatuwa yung mga kakilala niyang student ng UP dati parang na-woke sila,” dagdag pa ni Direk. 

Maging si Direk Ted daw ay binago raw ng kwento ni Manang Iska. “Mula nung narinig ko yung kwento niya… kung jaded ako, kahit papaano nabago na niya ako,” sabi ni Direk.  

Sinabi rin daw ni Manang Iska kay Direk Ted na napanuod na ng mga kapitbahay niya at “sobra silang umiiyak.”

Mabigat man ang pinagdaanan sa buhay, nanatiling masayahin at positibo sa buhay si Manang Iska. Ayon pa kay Direk Ted, kahit sa bahay niya ay nagku-kwentuhan lang sila ni Manang Iska nang mga napanuod nila sa TV at “hindi kami ma-drama.”