• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis reveals ‘strange’ things about Vice Ganda, Vhong, Solenn, Isabelle, Erwan and Jasmine.

Anne Curtis reveals ‘strange’ things about Vice Ganda, Vhong, Solenn, Isabelle, Erwan and Jasmine.

Game na binunyag ni Anne Curtis ang mga “strange” na bagay tungkol kay Vice Ganda, Vhong Navarro, Solenn Heussaff, Isabelle Daza, Erwan Heussaff at Jasmine Curtis.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/21/2019 5:42 PM
Anne Curtis reveals ‘strange’ things about Vice Ganda, Vhong, Solenn, Isabelle, Erwan and Jasmine.


Photo credit: @annecurtissmith @praybeytbenjamin @vhongx44 @solenn on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, game na nag-share si Kapamilya at Just A Stranger star Anne Curtis ng mga bagay na sa tingin niya ay “strange” sa mga taong malalapit sa puso niya. 

Una na kay Vhong Navarro na co-host din ni Anne sa It’s Showtime. “Hindi ko maintindihan bakit mas maputi siya sa akin ngayon. Yung legs niya mas maputi talaga sa akin,” ani Anne tungkol kay Vhong. 

Ano naman kaya ang “strange” sa kaibigang si Isabelle Daza? Ayon kay Anne ayaw ni Isabelle ng balahibo ng pets niya pero kapag kasama daw nito ang anak na si Baltie ay ine-encourage nito ang anak na makipaglaro sa mga pets ni Anne. “Whenever she goes to the house, pupunta siya sa akin, lagi siya nagrereklamo na ang daming balahibo ng cat ko, ng dogs ko … pero when she brings her son Baltie (she’d say) ‘O you go, you play with the ano… Akala ko ba you don’t like, pero when it comes to her kids she’s like go lang,” kwento ni Anne tungkol sa kaibigan. 

Pagdating naman sa kaibigan at sister-in-law na si Solenn Heussaff, strange daw na nakakaramdam pa ito noon ng pagiging “bloated” kahit na napaka-sexy nito. “Di ba she’s always been sexy, pero she still has those days when she feels bloated. As in nakatingin lang ako sa kanya (and I tell her)—you’re so weird” ani Anne.

“For sure now she doesn’t care, because she’s expecting,” dagdag pa ni Anne. 

Ang strange naman daw sa kapatid niyang si Jasmine Curtis ay may kinalaman sa size ng paa nito. “She has bigger feet than me. And I find that so strange kasi I’m taller than her,” aniya. 

Paano naman kay pagdating sa kanyang “sis” at Unkabogable star Vice Ganda? “I find it strange na kaya niyang matulog ng may makeup,” sagot ni Anne. Hindi raw kasi ito maganda para sa pores, ayon kay Anne. 

“Sorry sis!” pahabol ni Anne sa naging revelation niya tungkol kay Vice. 

Pagdating naman sa asawang si Erwan Heussaff, mas matakaw daw si Anne sa asawa. “Mas malakas akong kumain sa kanya. As in malala. I find it strange that I have a bigger appetite than Erwan,” sabi ng aktres. 

READ: Anne Curtis ‘ready’ to be a mom