• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis, napagtapos at ngayo'y may trabaho na ang isa sa kaniyang mga scholars

Anne Curtis, napagtapos at ngayo'y may trabaho na ang isa sa kaniyang mga scholars

Nagpapasalamat si Anne Curtis sa mga kumpanyang bukas na tumanggap sa mga empleyadong may kapansanan.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/21/2019 8:19 PM
Anne Curtis, napagtapos at ngayo'y may trabaho na ang isa sa kaniyang mga scholars


Photo credit: @annecurtissmith IG

Ipinakilala ng Just A Stranger actress na si Anne Curtis ang isa sa mga scholars niya na si Sareena Calonzo, mula sa ng kaniyang charity project na Dream Machine. Ayon kay Anne, masaya at proud siya ngayong nakapagtapos at may trabaho na si Sareena, kahit sa kabila ng kapansanan nito bilang deaf.

"She's very willing kasi, even her mom, makikita mo na they really want her to succeed in life. And I want also para malaman din ng mga tao what is this disability that you have to make your dreams come true too. Na meron ka talagang makikilalang makakatulong sa 'yo pero ikaw, like si Sareena alam kong magiging inspirasyon din siya sa iba," pahayag ni Anne sa episode ng Magandang Buhay nitong Lunes, August 19. 

Kasama ang kaibigang sign language interpreter, nagpasalamat din si Sareena sa tulong at oportunidad na pinasimulan ni Anne. Ayon sa kaniya, naging motibasyon niya ang idolo sa pagpapatuloy sa pag-aaral, at sa pagkakaroon ng self-confidence. 

Nagpapasalamat din si Anne sa mga kumpanya na tumatanggap ng mga taong may kundisyon tulad ni Sareena, bilang empleyado nila. 

"Kaya nagpapasalamat din ako sa mga establishments na willing to give them a chance to work, to belong into the community. Sana mas marami pang mga establishments na maging gano'n at tumulong sa kanila," panawagan ni Anne. 

Nagta-trabaho bilang Customer Service Representative ngayon si Sareena.

 

 

Bukod kay Sareena, ibinahagi rin ni Anne ang ilang mga natulungan ng kaniyang charity efforts sa Dream Machine. 

"Marami, may malaki, maliit, nagkaroon kami ng giveaway ng BlackPink (concert tickets), mayroon din akong tinutulungan na scholar sa Mirriam College, si Sareena (Calonzo), meron din si Pio, I helped him also. And then we had a recent dream wedding para sa Bandelaria couple," sabi ng aktres.

 

 

Read:Anne Curtis ‘ready’ to be a mom

Bukas ang Dream Machine para sa mga gustong makatulong at makipag-partner para sa mga kasalukuyan nilang proyekto.