Paolo Valenciano, may payo sa ama ni Morissette Amon

Hindi mapigilan ni Paolo Valenciano na mag-komento sa kontrobersyal na hidwaan ng mag-amang Amay at Morissette Amon dahil umano sa boyfriend nito.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/20/2019 2:38 PM
Paolo Valenciano, may payo sa ama ni Morissette Amon


Photo credit: @itsmorissette IG

Hindi mapigilan ni Paolo Valenciano na mag-komento sa kontrobersyal na hidwaan ng mag-amang Amay at Morissette Amon dahil umano sa relasyon nito sa nobyong si Dave Lamar.

Nitong buwan ay naging usap-usapan ang maiinit na tweets ng ama ng tinaguriang Asia's Phoenix patungkol sa pag-alis nito sa poder ng kanyang pamilya upang sumama umano kay Dave.

Unang nagkakilala sina Morissette at Dave matapos nilang sumali sa sikat na singing competition na 'The Voice of the Philippines' taong 2013.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I was hoping I could get lost in your paradise 🌈 #ASAPNatinTo

A post shared by M O R I S S E T T E (@itsmorissette) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

“You become the most dangerous when you don’t care about what anyone thinks about you.” -Crushing It!

A post shared by Dave Lamar (@davejlamar) on

 

Sa nasabing tweets, kung saan lumalabas na Pebrero nitong taon pa nang mag-simula ang kanilang hidwaan, naglabas ng kanyang hinaing si Amay laban sa 'di pinangalanang lalaki na diumano ay dahilan ng pagkasira ng relasyon niya kay Morissette. Aniya, ang lalaking ito ang nagsulsol sa anak upang tuluyan itong umalis sa poder ng kanyang pamilya.

Sa kanyang susunod na tweets, nagpahiwatig si Amay sa pakikipagtanan umano ni Morissette kasama ang nobyo nito.

Nitong Biyernes, minabuti ni Paolo na mag-send ng magkakasunod na tweets sa ama ni Morissette upang payuhan ito na 'wag idaan sa social media ang alitan nila ng kanyang anak. 

Dito, pinalalahanan ng concert at events director si Amay na ano man ang kanilang sitwasyon ngayon, sa huli, ay magkapamilya pa rin ang mga ito. 

Aniya, "Hi Tito. Really hoping for the best for the family. But May I suggest not posting about it on social media.

"My brother, my sister and I have done crazy things that broke our parents hearts. Some may be more intense than this, but we keep it private. And in the end, relationships were restored.

"It really isn’t the best idea to air it out on [social media]. I get tempted also sometimes but it will not help in the restoration process. From an outsiders point of view, it almost looks like bashing/bullying. Which I know isn’t your intention. 'Yun lang, Tito. I am praying and hoping for the best. God bless, Tito!"

Nitong nakaraang taon lang nang nagkatrabaho ang anak ni Gary Valenciano at ang The Voice of the Philippines finalist para sa concert nitong 'Morissette is Made'.

 

 

Samantala, nito ring Biyernes nang mag-post si Dave ng isang cryptic message sa kanyang Twitter account bilang reaksyon umano sa mga patutsada ni Amay tungkol sa kanya.

 

 

Sa report naman ni Ricky Lo para sa Philstar nitong Martes, itinanggi ng isang hindi pinangalanang source na sinasabing malapit kay Morissette na nakipag-tanan o  live-in ngayon ang singer kasama ang nobyo nito.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

golden hour at the golden state 🌞 📸: @mikodacanay

A post shared by M O R I S S E T T E (@itsmorissette) on

 

Aniya, “The whole issue started last February. We respect and understand the feelings of Morissette’s father but some things have to be clarified. It’s not true that Morissette has ‘eloped’ or is ‘living-in’ with Dave Lamar. The truth is that she is taken care of by Stages head Audie Gemora. She’s staying with Audie in his home at a Makati subdivision.

“Morissette loves her family and she has been working hard to support them (parents and a sibling). She has been saving her earnings for a house the family is building and has entrusted a big amount to her father for that. Morissette is 23 and she’s old enough, and legally of age, to make her own decisions whether professional or personal,” dagdag pa nito.