• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador: ‘Naging okay kami ni Kim (Chiu), kami pa ni Gerald nun’

Maja Salvador: ‘Naging okay kami ni Kim (Chiu), kami pa ni Gerald nun’

Maja Salvador, tinuldukan ang rumor na hindi pa rin sila okay ni Kim Chiu hanggang ngayon.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/20/2019 12:10 PM
Maja Salvador: ‘Naging okay kami ni Kim (Chiu), kami pa ni Gerald nun’


Sa Tonight with Boy Abunda, diretsang sinagot ni The Killer Bride star Maja Salavador kung ano nga ba ang totoong estado ng relasyon nila ni Kim Chiu. Ayon kay host at King of Talk Boy Abunda, marami diumano ang nagsasabi na hindi sila magkasundo ni Kim dahil sa pareho silang na-link noon kay Gerald Anderson.  

“Kami po ni Kim, ang tagal na po naming okay. Sobrang tagal na. Naging okay kami ni Kim, kami pa ni Gerald nun,” sagot ni Maja. 

Ganunpaman, pinili diumano ni Maja at Kim na wag na munang i-share sa public ang mga detalye ng pagkaka-ayos nila. “Pero I think pareho naming choice na hindi i-announce or i-post sa social media kung ano man yung mga napag-usapan namin, kung bakit kami naging okay,” ayon kay Maja. 

“Parang we need to save our friendship. So para ma-save yun kailangan ng katahimikan. Dahil importante yung dalawang magkaibigan nag-uusap at nagkakaintindihan. Ng kaming dalawa lang,” giit pa ni Maja tungkol sa pagbabati nila ni Kim. 

Kamakailan lang ay nag-post si Maja at Kim ng picture kung saan masaya silang magkasama sa New York. 

READ: Kim Chiu on being friends with Maja Salvador again: ‘Hindi kami nag-ho-hold ng grudges’

Nabanggit din ni Maja ang naturang photo sa sit-down interview niya sa King of Talk. “Yung na-post naming dalawa, itong recent trip namin…Dumating na po siguro sa panahon na wala na kaming pakialam kung may sabihin yung mga bashers or kung ano man kaya nakapag-post na kami,” paliwanag ng aktres.

Bago pa man daw ang pamamasyal ng magkaibigan sa New York, ay nag-reminisce na rin sila habang nasa San Francisco kasama ang kanilang ASAP family kamakailan lang. “Sa ASAP Bay Area pa lang, nagre-reminisce na kaming dalawa. Kasi may mga shows kami dati sa San Francisco, (binalikan naming) yung mga nangyari before, yung moments naming dalawa,” kwento ni Maja.