• Home
  • Fresh Scoops
  • Dennis Padilla, nagsalita na sa isyung kinasasangkutan ng anak na si Julia Barretto

Dennis Padilla, nagsalita na sa isyung kinasasangkutan ng anak na si Julia Barretto

Nagsalita na ang aktor na si Dennis Padilla tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Julia Barretto, ang panganay niyang anak sa ex na si Marjorie Barretto.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/20/2019 3:12 PM
Dennis Padilla, nagsalita na sa isyung kinasasangkutan ng anak na si Julia Barretto


Photo credit: @dennisastig IG

Nagsalita na ang aktor na si Dennis Padilla tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Julia Barretto, ang panganay niyang anak sa dating asawang si Marjorie Barretto.

Makalipas ang ilang linggo ay tuloy pa rin ang pag-ulan ng negatibong komento sa nakababatang aktres matapos niyang masangkot sa naging hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Sa press conference ng kanyang reunion film kasama sina Janno Gibbs at Andrew E. na pinamagatang 'Sanggano, Sanggago at Sanggwapo' kamakailan, sinabi ni Dennis na nakausap na niya si Julia matapos unang pumutok ang isyu noong nakaraang buwan. 

Ayon sa comedian, pinayuhan niya ang anak na umiwas muna sa paggamit ng social media.

"Ang sabi ko sa kanya, 'wag ka na muna mag-social media. Pahinga ka muna. Mas maganda, magbakasyon ka na muna. Sabi ko nga sa kanya, kung wala pa naman siyang shooting or hindi naman siya gaanong busy, lumayo ka na muna sa social media. Antayin mo na munang mag-die down 'yung issue," aniya.

Sa napabalitang naging pagu-usap nila ni Gerald, inamin nito na siya ang unang lumapit sa aktor upang paalalahanan ito sa pagiging ama niya kay Julia. 

"Nag-text muna ako dahil, sabi ko... Kasi noong lumabas 'yung issue, nag-text lang ako. Tapos tumawag siya, kinausap ko. So, 'pagkausap ko, ni-remind ko lang sa kanya, 'Pare, anak ko 'yan.' 'Yun lang. Siguro naman alam niya na 'yung lalim noon, 'di ba, dahil lalaki naman siya," dagdag niya.

Nauna nang ibinahagi ni Gerald ang naging pagu-usap nila ni Dennis sa unang beses niyang pag-harap sa media matapos ang isyu. 

Aniya, "Si Sir Dennis, tumawag siya sa akin. Of course, he called me. I answered the phone. We had a good conversation. Tumawag siya kasi isa siyang concerned father. Anak niya ‘yun, e. Anak niya ‘yun.”

Bago pa man ito ay mainit na usap-usapan na ang naging pag-uusap umano ng dalawa patungkol sa kontrobersiya. Dito, kinumpirma raw ni Gerald na hiwalay na sila ni Bea at nais nitong ligawan si Julia.

Hindi naman kinumpirma ni Gerald kung may katotohanan sa nasabing tsismis, ngunit nanigurado ito na nagkaroon sila ng maayos na pag-uusap ni Dennis. Aniya, “Siyempre, alam natin na grabe rin ‘yung bashing sa side nila. No one deserves that… We had a good conversation."