• Home
  • Fresh Scoops
  • Paulo Avelino, ipinaliwanag ang controversial tweet tungkol kay Bea Alonzo

Paulo Avelino, ipinaliwanag ang controversial tweet tungkol kay Bea Alonzo

Nilinaw ni Paulo Avelino ang kanyang naging kontrobersyal na pahayag tungkol sa dating Kasal co-star niyang na si Bea Alonzo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/2/2019 2:34 PM
Paulo Avelino, ipinaliwanag ang controversial tweet tungkol kay Bea Alonzo


Photo Credit: @beaalonzo on Instagram

Nilinaw ni Paulo Avelino ang kanyang naging kontrobersyal na pahayag tungkol sa dating Kasal co-star niyang na si Bea Alonzo.

Matatandaang nitong nakaraang linggo lamang nang mag-viral ang aktor matapos na mag-tweet patungkol sa isyung kinasasangkutan ni Bea, boyfriend nitong si Gerald Anderson, at aktres na si Julia Barretto.

“Well, it doesn’t really matter. It’s just to make everything lighter,” ani Paulo sa kanyang naging panayam kay MJ Felipe nitong Huwebes.

Noong nakaraang Biyernes ay nagsalita na sa wakas si Bea tungkol sa kanilang usap-usapang hiwalayan ni Gerald. Sa kanyang panayam sa press, sinabi ng aktres na sa kaniyang pagkakaunawa ay hindi pa sila hiwalay ng aktor, at basta na lamang daw siyang hindi kinausap nito.

Samantala, hanggang ngayon ay nananatiling tahimik pa rin si Gerald at Julia tungkol sa isyu.