• Home
  • Fresh Scoops
  • Paulo Avelino, inaming tinangkang magpakamatay dahil sa depresyon

Paulo Avelino, inaming tinangkang magpakamatay dahil sa depresyon

Ginulat ng aktor na si Paulo Avelino ang kanyang fans matapos ang rebelasyon na minsan na siyang nagtangkang magpakamatay dahil sa depresyon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/2/2019 2:48 PM
Paulo Avelino, inaming tinangkang magpakamatay dahil sa depresyon


Ginulat ng aktor na si Paulo Avelino ang kanyang fans matapos ang rebelasyon na minsan na siyang nagtangkang magpakamatay dahil sa depresyon.

Nitong Huwebes nang nagsalita ang The General’s Daughter star sa unang pagkakataon tungkol sa kanyang mental health struggles. Sa Twitter, inalala ni Paulo ang isang malapit na kaibigang pumanaw matapos na kunin ang kanyang buhay dahil din sa depresyon.

Aniya, “I'll let this out to the universe since I promised not to keep heavy feelings to myself. One of my closest friend committed suicide last year and no one saw it coming.

“He was my go to person. A lot of times, I would call him late in the evening feeling so low and he would travel miles just to keep me company and make sure I was in my right mental state to continue [on] with life, constantly reminding me how privileged I am compared to a lot of people.

“That I had to see my son grow up.”

Si Paulo ay may 8-year-old na anak sa aktres na si LJ Reyes na nagngangalang Aki.

Dito na umamin si Paulo na minsan na rin niyang sinubukang magpakamatay. Aniya, “I survived. No one really knew aside from my closest friends and he was one of them… He would switch shifts with a friend to stay with me in the hospital and even when I got discharged, just to make sure I wasn't stupid enough to do it again…  Then it happened."

“All the time I needed support from my friends they were there. I was selfish. I demanded time and a part of their emotional state to flow along with mine.”

Sa kanyang message para rito, sinabi ni Paulo na utang niya ang kanyang pangalawang buhay sa pumanaw na kaibigan.

Dagdag niya, “I saw it coming. That one message you sent the night before you passed away, I brushed off in a joking manner."

“All those messages and time I selfishly demanded are now regrets and baggages I would carry my whole life. Thank you! I hope you are resting peacefully. I am living because of the hope and wisdom you engraved in me.”

“A year after, here I am at 5 in the morning thinking if a few minutes of my time ditching work would make a change or even save a life.”

A group in the Philippines is dedicated to addressing those who have suicidal tendencies. The crisis hotlines of the Natasha Goulbourn Foundation aim to make these individuals feel that someone is ready to listen to them.

These are their hotline numbers:

(02) 804-HOPE (4673)
0917 558 HOPE (4673)
2919 (toll-free number for all GLOBE and TM subscribers)