• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto iwas pag-usapan ang isyu sa kanila ni Gerald Anderson

Julia Barretto iwas pag-usapan ang isyu sa kanila ni Gerald Anderson

Tikom ang bibig ni Julia Barretto, tungkol sa kontrobersyang sangkot siya at ang ‘Between Maybes’ leading man niya na si Gerald Anderson.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/2/2019 11:49 PM
Julia Barretto iwas pag-usapan ang isyu sa kanila ni Gerald Anderson


Photo credit: @juliabarretto on Instagram
Sa TV Patrol, isa si Julia Barretto sa mga Kapamilya stars na tumulak sa San Francisco para sa “ASAP Natin ‘To sa Bay Area” na magaganap ngayong Linggo, August 4.
 
Ayon sa ulat, magkahiwalay dumating sa airport si Julia at ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Kalmado rin daw at umiwas na si Julia na sagutin ang mga tanong tungkol sa isyung nagli-link sa kanya sa aktor na si Gerald Anderson. 
 
 
“It’s my first time also in San Francisco. So I’m excited that I’m going to be with the other artists,” sabi ng aktres. 
 
Inamin naman ni Joshua na matagal na silang ‘di nagkakausap ni Julia. Hindi rin  nagbigay si Joshua ng opinyon tungkol sa intriga na kinasasangkutan ng ex. “Hindi ko masasagot yan e. Dahil siguro lahat ng mga tao may kanya-kanyang opinyon sa mga nangyaring issue,” aniya.  
 
Pero ayon sa aktor, naawa siya sa pinagdadaanan ni Julia. “Siyempre, naging karelasyon ko rin si Julia. Nasasktan ako for her sa nangyayari,” ayon pa kay Joshua.