• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Gladys Reyes very proud that husband Christopher Roxas gets his biggest break in ‘Tabon’

EXCLUSIVE: Gladys Reyes very proud that husband Christopher Roxas gets his biggest break in ‘Tabon’

Sinorpresa daw ni Xian Lim si Christopher Roxas na leading role ang binigay sa kanya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/2/2019 11:03 AM
EXCLUSIVE: Gladys Reyes very proud that husband Christopher Roxas gets his biggest break in ‘Tabon’


Photo credit: @iamgladysreyes IG

Very proud ang aktres na si Gladys Reyes na finally, after more than two decades ay nagkaroon na rin ng lead role sa pelikula ang asawa niyang si Chistopher Roxas. Ang aktor ang bida sa pelikulang Tabon na directorial debut ni Xian Lim na kasali sa 15th Cinemalaya Independent Film Festival.

“Nung una, akala ko talaga support role yung in-offer sa kanya ni Xian. When I found out na siya pala talaga yung lead role, sa akin, siyempre, long overdue na rin di ba, kaya sobrang happy ako and supportive sa kanya,” bulalas ni Gladys sa exclusive interview ng PUSH sa kanya.

Si Xian din daw mismo ang tumawag kay Christopher at nagtanong kung puwede ba niyang gawin ang Tabon.

“Matagal na silang nagkakasama sa mga, I think basketball or ibang mga event at do’n sila nagkakilala ni Xian. But I had no idea na ganun sila ka-close kaya nagulat ako na hand picked siya ni Xian Lim.

“Ang isa pang exciting dito, first directorial job ni Xian ang pelikula ng asawa ko,” kuwento pa ni Gladys.

Maging si Christopher ay hindi rin daw ini-expect na magbibida pa siya sa pelikula.

“Kahit siya na-surprise. Nung pinatawag siya for storycon, hindi niya pa alam. Parang si Xian sinu-surprise din siya. Parang hindi niya pa alam na siya pala ang bida.

“Kaya nung storycon na pinaupo siya sa gitna, sabi niya, ‘Bakit ako nasa gitna?’ Ayaw niya pang umupo. ‘Hindi bro, ikaw ang lead dito.’ So nagulat siya, ‘Ha?’ Pag-uwi tuwang-tuwa siyang ibinalita sa akin.

“Ako naman, siyempre sobrang happy ako for him at the same time nainggit in a nice way kasi sabi ko, buti pa siya nakapag-Cinemalaya na, ako hindi pa,” pahayag pa ng aktres.

Idinagdag din ni Gladys na nakita niya kung gaano ka-excited ang asawa na gawin ang pelikulang Tabon.

“Nadala ko yung napaka-excited ni Christopher para dito sa Tabon. Biggest break niya nga kasi ito sa pelikula kaya gusto ko talagang suportahan at saka sa premiere maaasahan nila na buong pamilya namin nando’n hanggang sa aming kamag-anakan talaga,” wika pa niya.

Magkakaroon ng gala premiere ang Tabon sa Cultural Center of the Philippines ngayong unang linggo ng Agosto at ipapalabas din sa ilang mga piling sinehan sa bansa.