• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez at Ellen Adarna, magkasamang nagbakasyon sa Thailand

Beauty Gonzalez at Ellen Adarna, magkasamang nagbakasyon sa Thailand

Lumipad patungong Thailand ang matalik na magkaibigang sina Beauty Gonzalez at Ellen Adarna kasama ang kanilang mga anak na sina Olivia at Elias.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/2/2019 3:46 PM
Beauty Gonzalez at Ellen Adarna, magkasamang nagbakasyon sa Thailand


Photo credit: @beauty_gonzalez IG

Masayang nakabakasyon ngayon ang aktres na si Beauty Gonzalez kasama ang nag-iisang anak na si Olivia.

Maliban kay Oliva, kasama ng Kadenang Ginto star ang matalik na kaibigang si Ellen Adarna at Elias, ang anak nito sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Sa Instagram nitong Huwebes, nagbahagi si Beauty ng ilang retrato mula sa kanilang trip patungong Thailand.

Kapansin pansin naman na wala sa trip sina John Lloyd at asawa ni Beauty na si Norman Crosologo, isang art curator.

Read: LOOK: Beauty Gonzalez uploads vacation photo with Ellen Adarna

Nitong Mayo lamang nang mapabalitang nagbakasyon sa beach sina Beauty at Ellen kasama ang kanilang pamilya.