Eagle Riggs, nabundol sa Palawan

TV host Eagle Riggs nabundol ng motor habang tumatawid sa Rizal Avenue Extension sa Puerto Princesa, Palawan.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/20/2019 7:12 AM
Eagle Riggs, nabundol sa Palawan


Photo credit: @michaeleagleriggs IG

Hiling ang agaran na pag galing ang mensahe ng mga kaibigan ng TV host na si Micheal Pangilinan Riggs o mas kilala bilang si Eagle Riggs.

Ayon sa ulat ng Palawan News Publication, nabundol ng isang motorsiklo si Eagle habang tumatawid sa Rizal Avenue Extension sa Puerto Princesa sa harapan ng kinainan niya ng lugaw nitong Lunes.

Photo credit: Palawan News Publication

“Two steps more sa sidewalk na ako biglang may tumama na lang sa akin na hindi ko alam kung ano. Ang kuwento na lang sa akin ng mga nakakita, ako raw ay umikot at bumagsak, mukha ko raw ‘yung nahulog” pahayag ni Eagle sa naging ulat.

“Five to ten minutes, pag gising ko na lang may nagdi-drip na dugo at may nakahawak na sa akin,” sabi pa ng TV host sa naging panayam.

Unang sinugod si Eagle sa Ospital ng Palawan para bigyan ng first aid pero inilipat din sa Cooperative Hospital ng Palawan para operahan ang natamong leg injury.

August 14 nang dumating si Eagle sa Palawan para sa kanyang naging show nitong August 17 at nakatakda sana ang pagbabalik niya sa Maynila sa August 26.

Bukod sa natamong leg injury, natamaan din ang kaliwang mata ng TV host pero nasa maayos na itong kalagayan.

Nagpaabot naman ng tulong pinansiyal ang mga malalapit na kaibigan ni Eagle at dasal para sa kanyang agaran na pag galing.

Samantala, nais naman ng TV host na ipakulong ang nakabundol sa kanyang motorista para mag silbing aral sa iba,

“Importante ang buhay, dapat pinapahalagahan natin, kung meron kang maapektuhan na buhay, mapipilayan, mabubulagan mo siya, how can that person function well? Let this be a lesson to those people na hindi masyadong bina-value ang buhay. You should be safe hindi lang para sayo kung hindi para sa mga taong mababangga mo” pahayag pa ni Eagle.