• Home
  • Fresh Scoops
  • Marco Gumabao umalma sa sinabi ni Jake Cuenca: ‘Sila yung chismoso kasi sila yung may gustong makaalam’

Marco Gumabao umalma sa sinabi ni Jake Cuenca: ‘Sila yung chismoso kasi sila yung may gustong makaalam’

Hindi napigilang itama ni Marco Gumabao ang sinabi ng ‘Los Bastardos’ co-star niya na si Jake Cuenca tungkol sa umano’y pagiging updated nito sa chismis.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/19/2019 8:10 AM
Marco Gumabao umalma sa sinabi ni Jake Cuenca: ‘Sila yung chismoso kasi sila yung may gustong makaalam’


Sa Tonight with Boy Abunda noong Biyernes August 16, inamin ni Marco Gumabao na pinagdasal niyang makuha ang leading man role sa Just A Stranger, kung saan nakasama niya si Anne Curtis. “I knew that I was one of the choices for it and then I was really praying hard for it. Na sana makuha ko na to, sana they choose me,” paglalahad niya. 

Nag-audition ang sexy actor para sa role at aminado siya na marami silang intimate scene ni Anne. 

Kinwento rin ni Marco kung gaano ka-supportive ang asawa ni Anne na si Erwan Heussaff, hindi lang kay Anne kundi pati sa kanya. “After party na ng ABS-CBN Ball and I saw Anne and Erwan together. Anne was saying if you get this kailangan mong galingan…” panimula ni Marco. 

“Erwan also read the script already, so parang he was giving me tips na ‘oh yes it’s a good script so if ever you do it, good luck.’ Nakakatuwa na coming from him, siya yung napaka-supportive. Also towards kay Anne and sa akin rin,” pagpapatuloy niya tungkol sa natanggap na support mula kay Erwan. 

WATCH: Anne Curtis shares Erwan Heussaff’s reaction after reading ‘Just A Stranger’ script

Tungkol naman sa love scenes, aminado si Marco na hindi na nila plinano o pinagusapan ito ng kanyang leading lady. “It’s better if it’s spontaneous. For me mas natural if you guys don’t know what the other one’s going to do,” aniya. 

Hindi rin daw ganun kadali na maging spontaneous kasama ang isang Anne Curtis. “Super nerve-racking because it’s Anne Curtis… I had to ask her her boundaries or limitations,” patuloy niya.  

Sumagot naman si Marco sa naging pahayag ng Los Bastardos co-actor niya na si Jake Cuenca nang mag-guest ito sa TWBA. Sinabi kasi ni Jake sa guesting nito na, “lahat ng tsismis updated yan si Marco.” 

 “Sila yung tsismoso kasi sila yung may gustong makaalam… Si Jake napakapilit niyan,” bwelta ni Marco sa naging pahayag ni Jake. 

“Tsismis kasi starts kapag mali yung kinukwento mo.  Ako hindi ako ganun. If I know something, wala akong idadagdag wala akong ibabawas. Kung ano yung narinig ko yun lang yun,” depensa pa niya sa kanyang sarili. “’Di ko naman hinihinging malaman ko. Sometimes people just tell me.” 

Pakiramdam din daw niya na mapupunta sa kasalan ang napapabalitang romance between Jake and beauty queen Kylie Verzosa. “Feeling ko dun pupunta yan because they’re so in love with each other and nakakatuwang panoorin,” sabi pa ng aktor.