• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Savador, emosyonal na nagpasalamat sa pamilya ng kanyang boyfriend

Maja Savador, emosyonal na nagpasalamat sa pamilya ng kanyang boyfriend

Naging emosyonal si Maja Salvador habang nagpapasalamat sa nakabalikang boyfriend na si Rambo Nuñez at sa suporta ng pamilya nito.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/19/2019 9:43 AM
Maja Savador, emosyonal na nagpasalamat sa pamilya ng kanyang boyfriend


Photo credit: @iammajasalvador IG

Ipinagdadasal na daw ni Maja Salvador na sana ay ang nakabalikang boyfriend na si Rambo Nuñez na ang huling makakatuluyan niya. 

Sa kaniyang guesting sa Magandang Buhay nitong Biyernes, August 16, emosyonal na nagpasalamat si Maja sa suporta at pagmamahal na natatanggap niya sa pamilya ng boyfriend. 

"Sabi ko nga yung mga past relationships ko parang may mga paghihirap, pati yung sa mommy ko, may ayaw. Eto pinagpe-pray ko na sana ito na. Kasi maliban sa mahal ko si Rambo, sobrang mahal ko [rin] yung family niya," pahayag ni Maja, kasama ang kapatid ng boyfriend na si Yannie. 

Ayon kay Maja, masaya siya sa malakas na suporta na nakukuha niya sa pamilya ng boyfriend at maging sa ina niya na botong-boto rin kay Rambo para sa kaniya. 

"Alam naman ni Rambo na kung nine years ago na-sacrifice ko yung love namin, but this time sabi ko 'Buti nandito na ko sa - kaya kong i-balance.' Kasi maliban sa love na binibigay niya, I'm so happy and grateful sa love na ibinibigay ng family niya.

"Parang kung ano yung mga pinagkait na pagmamahal sa akin before, pinupuno ng family nila. Na pwede pala yon, pwede palang hindi lang isang tao ang magbibigay sa 'yo noon. Na yung pinipili mong maging partner sa buhay, yung pamilya nila, magiging pamilya mo talaga," emosyonal na sabi ni Maja. 

Siyam na taon na ang nakakalipas nang matapos ang relasyon nina Maja at Rambo, na nagtagal lamang ng tatlong buwan. Nitong February 2019, unang nagpahiwatig si Maja ng pakikipag balikan niya sa dating ex, gamit ang isang Instagram post. 

READ: Boyfriend ni Maja Salvador, magpo-propose na nga ba?

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Let the magic continue 💫❤️

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 

Bago matapos ang interview, isang pangako naman ang iniwan ni Maja para sa kaniyang nobyo. 

"Lagi akong nagte-thank you kay Rambo, kasi ang dami niyang adjustments para sa akin. Kasi mahal niya talaga ako. So ako I'm willing to adjust also. I'm willing to adjust everything para this time yung love naman namin," sabi ng aktres. 

PHOTOS: Maja Salvador sweetest moments with beau Rambo Nunez in Europe

Mapapanood si Maja gabi-gabi sa kanyang bagong teleserye na The Killer Bride, sa Primetime Bida.