KILALANIN: Mga bagong reyna ng Mutya Pilipinas

Si Klyza Castro ng Davao ang kinoronahan bilang Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific International.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/19/2019 9:03 AM
KILALANIN: Mga bagong reyna ng Mutya Pilipinas


Photo credit: @mutyapilipinasofficial IG

Wagi sa katatapos lang 2019 Mutya Pilipinas ang Davaoeña Beauty na si Klyza Castro bilang Mutya Pilipinas Asia-Pacific International.

Mula sa 40 kandidata, angat ang anim na kababaihan bilang unang mga reyna ng Mutya Pilipinas sa pamumuno ng beauty advocate na si Cory Quirino.

Kinoronahan din ang Zamboanga based beauty queen na si April May Short bilang unang Mutya Pilipinas World Top Model Philippines.

Ito ang unang pagkakataon na magpapadala ang Pilipinas sa World Top Model na kung papalarin ay isang exclusive International modeling management contract ang kanyang maaring iuwi.

Samanatala, narito naman ang iba pang mga nagwagi sa 2019 Mutya Pilipinas: 

Mutya Pilipinas Asia-Pacific International 2019: Klyza Castro - Davao City 

Mutya Pilipinas World Top Model Philippines 2019: April May Short - Zamboanga City

Mutya Pilipinas Tourism International 2019: Tyra Goldman - Nevada 

Mutya Pilipinas Overseas Communities 2019: Louise Janica Arroyo An - California 

1st Runner-Up: Cyrille Payumo - Pampanga 

2nd Runner-Up: Maxinne Nicole Rangel - Padre Garcia, Batangas