• Home
  • Fresh Scoops
  • Catwalk King Sinon Loresca, pinuna ang rampa ni Gazini Ganados

Catwalk King Sinon Loresca, pinuna ang rampa ni Gazini Ganados

Wiling daw si Sinon kung sakali mang humingi ng tips si Miss Universe Philippines Gazini Ganados sa kanyang pag-rampa.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/19/2019 8:32 AM
Catwalk King Sinon Loresca, pinuna ang rampa ni Gazini Ganados


Mula sa kanyang trending na catwalk videos, labis na hinahangaan ngayon ang Pinoy Catwalk King na si Sinon Loresca lalo na nang mga kababaihan.

Kaya naman, hindi na daw bago sa kanya ang mahingan ng tulong lalo na ng aspiring beauty queens na sasabak sa mga pageant. 

Pero ayon kay Sinon, hindi pa siya handa para maging catwalk coach.

“Meron din po, pero actually at the moment hindi pa po ano ready na-i-share ‘yung magic. Hindi ko alam, kahit na ako kasi hindi din alam kung paano ako tinawag na Catwalk King,” aniya sa panayam sa thanksgiving party ng Frontrow, kung saan isa sa mga endorser si Sinon.

Dahil sa pag viral ng kanyang mga video, nag-reach out na din kay Sinon ang ilang international beauty queens.

 

 

“Ang dami po nagpapaturo especially international. Eh ang aim ko lang naman po sa Pilipinas lang and it happened to me,” sabi pa ni Sinon.

Hindi man daw ready na maging rampa coach, tila nagbago naman ang tono ni Sinon kung si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados na daw ang manghihingi sa kanya ng tips sa pag-rampa.

“Ay sige. Kaso sobrang ganda ni Gazini e,” sabi ni Sinon.

Dito, binigyang papuri din ng Pinoy Catwalk King ang rampa skills ni Gazini. 

“Actually, wala nang kailangan na ituro pa sa kanya kasi the way she walks, queenly na eh, very Latin American. Pag nag wo-walking siya napapansin, grabe ‘yung sa IG niya very Venezuelan, actually ready na siya,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, abala si Sinon sa isang upcoming movie na bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival.