• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis on sleazy comments on her posts: ‘I’ve learned the art of dedma’

Anne Curtis on sleazy comments on her posts: ‘I’ve learned the art of dedma’

Anne Curtis, may rebelasyon sa butt exposure ni Marco Gumabao.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/19/2019 8:28 AM
Anne Curtis on sleazy comments on her posts: ‘I’ve learned the art of dedma’


Sa Gandang Gabi Vice noong Linggo ng gabi, August 18, natawa si Just A Stranger star Anne Curtis sa reaction ng netizens sa sexy picture niya sa Instagram kung saan naka-one piece swimsuit siya at kita ang likod at gilid ng katawan niya. Ang leading man niyang si Marco Gumabao ang nagbasa ng comments. 

Ang isang comment ng netizen ay “harap!” Ang isa namang netizen ay nagsabing, “Come to papa.” Habang ang dalawa pa ay, “Pahingi ng tissue,” at  “Sandali lang ha, CR lang ako ah.”  

Nang tanungin kung nagbabasa siya ng comments sa mga pinu-post niya, sinabi ni Anne na minsan nagbabasa siya. “Minsan. Minsan hindi na. Minsan kasi madami na so hindi mo na mababasa,” ani Anne. 

Ano naman kaya ang nagiging reaction niya kapag nakakabasa siya ng mga hindi wholesome na comments. “Minsan nakakatawa kasi e. Yung iba parang ano ba to?” kwento ni Anne. 

Hindi rin daw sineseryoso ni Anne ang mga nababasang comments. “Hindi. I don’t take it seriously because once you post it out there, public property na yan di ba?” aniya. 

Dagdag pa ni Anne, once na nag-post ka ng picture sa social media ay hinihingi mo rin naman ang komento ng mga tao, lalo pa’t hindi ka nag-off ng comment section. “Hiningi mo din naman yun. Humingi ka rin ng comments. Hindi mo naman in-off yung comments mo,” paliwanag ng aktres. 

May rebelasyon din si Anne tungkol sa naging butt exposure ni Marco. “Siya nag-suggest nito ha. Nagpakita siya ng butt,” rebelasyon ni Anne. 

Nang tanungin kung matagal ang naging butt exposure ni Marco, ito ang naging sagot ni Anne: “Oo, medyo babad.” 

READ: How did Anne Curtis handle love scenes with Marco Gumabao in ‘Just A Stranger’?

Nang tanungin naman si Marco kung bakit nag-decide siya magpakita ng butt, naging honest si Marco sa naging pahayag niya. “Kasi syempre ito na rin yung path na tine-take ko, and what’s the best project or movie na ipakita yun di ba?” sagot ni ng aktor.