• Home
  • Fresh Scoops
  • Rufa Mae Quinto ibinahaging madalas siyang nabu-bully ng mga kapwa artista

Rufa Mae Quinto ibinahaging madalas siyang nabu-bully ng mga kapwa artista

Minsan ding naisip ni Rufa Mae Quinto na iwanan na ang showbiz dahil sa mga pambubully sa kanya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/18/2019 12:03 PM
Rufa Mae Quinto ibinahaging madalas siyang nabu-bully ng mga kapwa artista


Photo credit: @rufamaequinto IG

Isang karaniwang pangyayari na pala sa comedy actress na si Rufa Mae Quinto ang pagtawanan at ma-bully ng mga kapwa niya artista sa showbiz noon.

Pag-amin niya, “Lagi naman po akong ganun kasi lahat sila parang ano… kaya nga, ewan ko kung sino na nga ba yung totoong friendship ko.”

Pakiramdam ni Rufa Mae kung bakit siya nabu-bully ng iba ay dahil naiinggit ang mga ito sa kanya.

“Minsan, hindi mapigil ng ibang tao yung naiinggit. Eh, ako kasi hindi ako nai-insecure, kasi nga, hindi ko naman iniisip na maganda ako, di ba? Basta ako, gagalingan ko, magtatrabaho ako kikita ako, ganun lang naman ako, eh.

“Hindi ko nga sila ina-ano, eh, o inaaway sa TV. Yung iba naman itsitsismis ka pa na ganito, ganyan. Naku, yang mga yan, kaya nga ako na-turn off.

“Totoo yan, kung bakit din ako umalis sa showbiz kasi parang, ano ba naman itong mga ‘to? Para akong nasa dinosaur place, maraming tarantula and everything. Parang hindi ko na alam kung sino ba yung kausap ko talaga,” lahad pa niya.

Inamin din ng aktres na malaki ang naging negatibong epektong pagbabasa niya ng mga comments sa kanya ng ibang tao sa social media.

“Binabasa ko yung mga comments, eh, mali pala yon. Dapat hindi ko pala binasa kasi unti-unti akong na-hurt. Tapos bigla na lang ayoko ng mag-artista, yung mga ganun.

“Kasi ano ako, eh, hindi ako masyadong magaling na mag-aaral,pero malakas po ang pakiramdam ko at ang vision ko kaya nga ako artista. So, napi-feel ko agad kapag hindi maganda at hindi okey, naba-vibes ko din.

“Maraming salbahe, eh. Ang yabang-yabang nila, akala mo naman… Kaya tingnan mo, wala na sila. Bigla silang nawala, pumangit sila,” biro pa ng aktres.

Ayon kay Rufa Mae ang pinakamatinding dahilan ng pambu-bully sa kanya ng mga kasamahan sa showbiz ay dahil hindi siya magaling mag-English.

Pagre-recall ng aktres, “Noon kasi yung mga ka-batch ko puro Fil-Am, yung mga panahon na hirap na hirap akong mag-English. Hindi ako maka-English kaya parang inapi-api ako. Sabi ko, ‘Ay ganun.’ Tapos nung nasa PBA ako, eh, di ba ang ingay-ingay, sabi sa akin, ‘How are you?’ ang sagot ko, ‘Yes.’ Hahaha.

“Tapos may isang artista, binully din ako.Pa-English-English siya. ‘How are you, atchu-chucu-chu.’ Nakatingin lang ako sa kanya, wala ako masabi kasi hindi ako marunong mag-English.

“Nung una, hiyang-hiya din ako, kasi kahit mga kapatid ko tinutukso ako, eh.

“Pero kinalimutan ko lahat ng yon. Eh, ano ngayon kung mali-mali yung English ko? Oh, ngayon yon yung naging hugot ko, awang Diyos binigyan ako ng asawang Inglisero. Hahaha!”

Samantala, ayaw ng pangalanan ni Rufa Maekung sinu-sino ang mga artistang nam-bully sa kanya noon. Kinalimutan na raw niya ang mga nangyari at napatawad na rin niya ang mga ito.

Kasama si Rufa Mae sa cast ng And Ai Thank You na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas mula sa direksyon ni Joven Tan.