RS Francisco, suportado ang Miss Universe 2019 sa Pilipinas

Isa si RS Francisco sa kilalang nagbibigay suporta sa charity works ng Miss Universe Organization.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/18/2019 1:39 PM
RS Francisco, suportado ang Miss Universe 2019 sa Pilipinas


Binigyang linaw ng aktor at negosyante na si RS Francisco ang tila napipintong pagdaraos muli ng Miss Universe pageant dito sa Pilipinas.

READ: Manila to host Miss Universe 2019?

Kasunod ito ng tila pakikipagpulong niya sa presidente Miss Universe Organization na si Paula Shugart ng bumisita ito sa Pilipinas.

READ: Miss Universe president Paula Shugart eyes Philippines for 2019 Miss Universe pageant

“Don’t get confused with those information, baka ma-fake news tayo. November 9, is the grand sales rally of Frontrow it’s called ‘Frontrow All In’ and that is for celebrating all our achievements and blessings,” pahayag ni RS sa naganap na Fresh & Radical book launch ng Frontrow kasama si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

 

 

“The reason why we went there, we look for the venue for our event and that’s it,” patuloy pa ni RS.

Ang reigning Miss Universe naman na si Catriona Gray, nagbigay pahayag din sa maugong na balitang napipintong pagdaraos muli ng Miss Universe dito sa Pilipinas.

“It is a possibility. I would love it if we hold it here in the Philippines, it will be so special to me to be able to give up my crown on my home turf,” sabi pa ni Cat.

At gaya ng marami, isa din ang 2018 Miss Universe sa mga nasasabik sa opisyal na anunsyo ng Miss Universe Organization.

“But of course if it happens, if it doesn’t, let’s wait and see.”

READ: RS Francisco, nagbigay saloobin sa pagbabago sa Miss Universe

Taong 2016 noong huling idaos sa Pilipinas ang Miss Universe kung saan ipinasa ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach titulo kay Iris Mittenaire ng France.

Ito din ang ikatlong pagkakataon na idinaos ang Miss Universe pageant dito sa Pilipinas.