• Home
  • Fresh Scoops
  • Maris Racal, nagbigay ng opinyon tungkol sa ‘cancel culture’ sa social media

Maris Racal, nagbigay ng opinyon tungkol sa ‘cancel culture’ sa social media

Maris Racal nagbigay ng opinyon niya tungkol sa ‘cancel culture,’ o pag-boboycott ng mga netizen sa isang kilalang tao o grupo.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/19/2019 7:41 AM
Maris Racal, nagbigay ng opinyon tungkol sa ‘cancel culture’ sa social media


Photo credit: @mariesteller IG

 Nagbigay ng kaniyang opinyon tungkol sa 'cancel culture' ang I'm Elenya L actress na si Maris Racal, sa naganap na press conference niya noong Martes, August 13. 

"Ako talaga, sorry for the word pero naririndi ako kapag may nababasa akong 'cancelledt' parang nase-stress ako, nag-e-exit ako sa Twitter. 

"I think people are just doing that just to be in. Yung ibang tao kaya nagka-cancel ng tao para lang masabi na aware sila on what's happening. I think naman para mag-cancel ka ng tao, ang sama naman no'n," pahayag ni Maris. 

Diin ng aktres, hindi patas at 'healthy' para sa mga taong nako-call out dahil lamang sa mga maliliit na nagawa nila. 

"Kasi usually yung mga naka-cancel ngayon - ang liliit lang ng mga nagawang [mali]. Hindi siya yung karumal-dumal na nagawa. Yung parang may nasabi lang na ganito, ika-cancel mo na siya hindi mo na siya susuportahan.

"And then yung mga taong naka-cancel, kawawa kasi psychologically at mentally, hindi yun healthy parang it's hard to regain yourself or rebuild yourself again sa social media," pagpapatuloy ng aktres. 

 

 

Samantala, ipinagtanggol naman ni Maris ang mga millennials sa konotasyon ng pagiging sensitibo sa mga isyu. Ayon sa aktres, tinitignan niyang mabuti rin ang pagpapahalaga sa mga adbokasiya isa. 

"Kaya may ganong naka-attach sa mga millennials na sensitive sila, kasi they're more awake and aware of what's happening in the world and ano ang dapat pinapahalagahan like gender, religion... 

"Kaya I think natatawag kami as sensitive kasi we're more aware. Kasi diba before parang yung racism, LGBT, hindi pa aware yung mga tao, but in a good way I think," pagpapatuloy niya. 

READ: Maris Racal, sa kakumpetisyang pelikula ni Sue Ramirez: ‘Wag niya masyadong galingan’

Gaganap bilang isang aspiring social media influencer si Maris sa kaniyang kauna-unahang lead role para sa pelikula. Kasama ang kaniyang dating ka-love team na si Iñigo Pascual, mapapanood ang I'm Elenya L ngayong September bilang isa sa mga entry sa Pista Ng Pelikulang Pilipino.