James Yap, inilarawan ang buhay malayo sa showbiz

Sa basketball, negosyo, at pamilya ngayon ang umiikot ang oras ni James Yap.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/18/2019 2:18 PM
James Yap, inilarawan ang buhay malayo sa showbiz


Photo credit: @jamesyap18 IG

“Mas masaya. Tahimik.”

Ganito ilarawan ng PBA player na si James Yap ang kanyang buhay na tutok ngayon bilang basketball player, negosyante, at ama sa kanyang dalawang anak.

Kuwento ng Rain or Shine player sa ikalawang anibersaryo ng District 8 Manila, mas masaya at mas tahimik ngayon ang kanyang buhay na malayo sa showbiz.

“Okay naman masaya,” patuloy ni James sa panayam.

Ayon pa kay James oras lang sa basketball at sa kanyang dalawang anak kay Michela Cazzola umiikot ang kanyang oras ngayon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy birthday bugoy! We love you so much ❤️ 08-08-16

A post shared by James Yap (@jamesyap18) on

 

“Well kailangan magbigay din ng time sa family, kasi syempre itong business na ‘to para sa family, so naiintindihan naman nila ako kung busy dito, kasi para naman to sa kanila.”

At kahit abala sa basketball at negosyo, sinisigurado din ni James na may oras siya sa kanyang mga anak.

“Kailangan i-manage mo talaga ang time mo kasi pag nag-bigay ka ng time sa business, kailangan may time ka din sa family mo, kailangan talaga ‘yun para hindi magkagulo,” aniya pa.

Masaya din daw ang PBA player na lumalaking masayahin at malusog ang kanyang dalawang anak.

“Okay naman lumalaki na, sobrang kulit na kaya masarap na sila kalaro.”

Dito, naitanong din kay James kung nagkikita pa din ba sila ng kanyang anak kay Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap.

Pero ayon sa kanya, “Ayaw ko na mag comment,” tanging sagot ni James.