Pelikula ni Kris Aquino para sa MMFF, hindi na tuloy

Hindi na matutuloy ang dapat na comeback film ni Kris Aquino na (K)ampon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/17/2019 11:54 AM
Pelikula ni Kris Aquino para sa MMFF, hindi na tuloy


Marami ang natuwa nang i-anunsyo ni Kris Aquino na magbabalik-pelikula siya para sana sa pelikulang (K)ampon na pagbibidahan sana niya kasama ang aktor na si Derek Ramsay.

Read: Kris Aquino on love scene with Derek Ramsay for MMFF: ‘Kinabahan ako’

Ito sana ang pangalawang pelikula ni Kris matapos ang ilang gusot ay naayos naman ito. Ngunit sa latest update ng Queen of All Media ay kanyang kinumpirma na hindi na ito matutuloy.

Ang (K)ampon ay isa sana sa mga film entries sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF).

“To put this chapter immediately behind me, [Derek] backed out August 2. Attorney Joji communicated with me on August 3, and we reached out to [Gabby Concepcion] through [Popoy Caritativo] At midnight, meaning August 4, Gabby said YES. Letter was submitted August 5 to MMFF COMMITTEE,” paliwanag ni Kris.

“I have read the suggestions na mag appeal, pinalaki po akong may DELICADEZA. 2 members of the executive committee are friends, 1 is one of my closest friends- kaya hindi ko magawa,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay ‘tulala’ si Kris dahil, “bukod sa hindi tuloy ang isang project na ginusto ko talaga, may ilang milyon din na sagutin kami sa MMFF bond, prod staff, crew, and artists.”

Hindi man natuloy ang pelikula, ‘lesson learned’ naman na ito para sa kanya.

“No blame game, but to clear my name, I was concerned about shooting until we had the approval of the MMFF rules committee, but I wasn’t producer in charge... as I said, #lessonslearned.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

To put this chapter immediately behind me, @ramsayderek07 backed out August 2. Attorney Joji communicated with me on August 3, and we reached out to @concepciongabby through @popoycaritativo. At midnight, meaning August 4, Gabby said YES. Letter was submitted August 5 to MMFF COMMITTEE. i have read the suggestions na mag appeal, pinalaki po akong may DELICADEZA, 2 members of the executive committee are friends, 1 is one of my closest friends- kaya hindi ko magawa... tulala ngayon kasi bukod sa hindi tuloy ang isang project na ginusto ko talaga, may ilang milyon din na sagutin kami sa MMFF bond, prod staff, crew, and artists... no blame game, but to clear my name, i was concerned about shooting until we had the approval of the MMFF rules committee, but i wasn’t producer in charge... as i said, #lessonslearned. Thank God I have these 2, because of them i still look forward to BETTER DAYS AHEAD. Happy weekend to all. 💛💛💛

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

 

Huling bumida sa pelikula si Kris noong nakaraang taon sa I Love You Hater kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto.