• Home
  • Fresh Scoops
  • Korina Sanchez, Kapamilya celebrities unite and speak up for animal welfare

Korina Sanchez, Kapamilya celebrities unite and speak up for animal welfare

Korina Sanchez, Kathryn Bernardo, Coco Martin at iba pang Kapamilya celebrities nakiisa sa first International Homeless Animals Day

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/17/2019 2:42 PM
Korina Sanchez, Kapamilya celebrities unite and speak up for animal welfare


Photo credit: @korina IG

Sa ulat ng TV Patrol, ginanap ang first International Homeless Animals Day sa bansa na naglalayong palakasin ang batas para sa animal welfare. 

Umattend ang mga animal lovers at animal welfare advocates sa okasyon at nakiisa rin ang mga celebrities katulad nina Kathryn Bernardo, Coco Martin, Piolo Pascual, Janella Salvador, Elisse Joson, McCoy De Leon at iba pang Kapamilya stars.  

READ: Kathryn Bernardo aminadong malambot ang puso sa mga aso

Present din si broadcast journalist at Rated K host Korina Sanchez na noon pa man ay vocal na sa kanyang advocacy na isulong ang karapatan ng mga hayop. “Puso ng tao ang kailangan gisingin e. Dahil ang mga aso kasama natin sa bahay yan. Alam natin may mga damdamin din yan. Alam nating kaya nila magmahal. Marunong, matalino sila; bakit sila kakainin? Bakit sila sasaktan?” ani Korina. 

READ: Korina Sanchez bids her final goodbye to her rescue dog

Dumalo rin sa okasyon si Ang Probinsyano Party-list Congressman Ronnie Ong at sinabi niya na balak niyang magpatawag ng committee hearing para palakasin ang animal welfare law. 

Present din sa event ang hero dog and international star na si Kabang. Nagsilbing fundraiser din ang event para kay Prince, isang aspin na biktima ng pang-aabuso. 

Ayon pa sa report, dumalaw si Kabang at Prince noong July kay Mayor Isko Moreno at doon inanunsyo ng Mayor ng Maynila ang libreng pagpapakapon sa lahat ng street dogs pati na rin ang balak niyang magpatayo ng bagong complex para sa mga hayop sa lungsod. 

“I’m very happy, that slowly but surely in the Philippines, we’re becoming more dog friendly. In many, many parts of the country, there are more shelters now that are ‘no kill,’” dagdag pa ni Korina.