• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu sa renewed friendship niya kay Maja Salvador: ‘Kung ano yung tapos na, tapos na’

Kim Chiu sa renewed friendship niya kay Maja Salvador: ‘Kung ano yung tapos na, tapos na’

Tuluyan nang nagkaayos at magkaibigan na muli sina Maja Salvador at Kim Chiu nang magpalitan sila ng ‘I love you’ sa episode ng ‘Magandang Buhay.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/17/2019 1:21 PM
Kim Chiu sa renewed friendship niya kay Maja Salvador: ‘Kung ano yung tapos na, tapos na’


Photo credit: @chinitaprincess and @iammajasalvador IG

Malaki ang pasasalamat para sa isa't isa nina Kim Chiu at Maja Salvador ngayong nagkaayos na sila at magkaibigan nang muli. Mula sa isang video greeting, nag-iwan ng mensahe si Kim para kay Maja sa episode ng Magandang Buhay nitong Biyernes, August 16. 

"Sa amin kasing dalawa ni Maja, nagpapasalamat ako kasi kung ano yung klase ng pagkakaibigan yung gusto ko yun din yung gusto niya. Parehas kami ng pananaw sa buhay, kung ano yung tapos na, tapos na. 

"And buti na lang nagka sundo kami doon, nagkaintindihan kami ang it just shows na no matter what happened, kung ano man ang bagay na nakasira sa amin, e pwedeng kalimutan at pwedeng ibalik yung dati ganyan," pahayag ni Kim Chiu, matapos alalahanin ang dalawang larawan nila ni Maja. 

Isang pasasalamat din naman ang isinagot ni Maja para kay Kim. 

"Alam mo naman na simula dati pa lang, na mahal kita. Alam kong ibang klase ng friendship ang meron tayo and alam mong gusto kong ibalik at i-maintain kung ano ang friendship na meron tayo. Masaya ako na naibalik yon, at masaya ako na wala tayong pakialam kung mayroon pa ring hindi naniniwala sa kung anong friendship meron tayo," sabi ng The Killer Bride actress. 

Naging laman ng balita ang Instagram posts ng dalawa kung saan nagkasama silang nagbakasyon sa New York. 

READ: Kim Chiu, Maja Salvador pose together in New Jersey

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

See you later mga kababayan dito sa New Jersey! 💕 Hi Kimmmeeey @chinitaprincess 👋💋 #KFWNewJersey2019

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 

Nagkasama sina Kim at Maja sa teleserye noong 2013, ang Ina Kapatid Anak, kung saan ay gumanap sila bilang magkapatid. Sa parehong taon din ay nagsimula ang hindi nila pagkakaintindihan dahil sa usap-usapang nagkamabutihan sina Maja at Gerald Anderson, ang ex boyfriend ni Kim. 

READ: This is what Maja Salvador has to say about Bea-Gerald-Julia issue

READ: Kim Chiu, muntik “mag-walkout” sa It’s Showtime nang asarin kay Gerald Anderson

Sa ngayon, sangkot naman sa bagong kontrobersiya si Gerald tungkol sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo, habang may pagkakamabutihan kay Julia Barretto.