• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Rafael Rosell, ikinuwento kung paano nagsimula ang adbokasiya niya sa medical cannabis

EXCLUSIVE: Rafael Rosell, ikinuwento kung paano nagsimula ang adbokasiya niya sa medical cannabis

Ikinuwento ni Rafael Rosell kung paano napagaling ng medical cannabis ang kaniyang ina mula sa thyroid cancer noon.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/17/2019 1:41 PM
EXCLUSIVE: Rafael Rosell, ikinuwento kung paano nagsimula ang adbokasiya niya sa medical cannabis


Hinihikayat ng Kapamilya actor na si Rafael Rosell ang mga Pilipino at pulitiko na bigyan ng pagkakataong ikonsidera ang nakahain na bill para sa pagpapasaligal ng Medical Cannabis. Sa interview ng PUSH sa aktor nitong Miyerkules, August 14, marinding pinaniniwalaan ni Rafael ang magandang maidudulot ng naturang halaman bilang alternatibong gamot sa mga malalang sakit. 

"I encourage everyone to research talaga not just the plant, but everything that you put into your body. Kailangan nating i-research kasi minsan yung mga gamot very harsh sa liver natin, sa bituka natin," pahayag ng aktor.

Pagpapatuloy niya, hindi dapat mabahala ang mga tao sa pagpapasa ng naturang bill, dahil malinaw na nailatag at naipaliwanag kung paano ito magkakaroon ng ligtas na pamamalakad. 

"I strongly encourage for the politicians and whoever reads this bill, to read it properly because lahat ng excuse ng mga tao which is the regular connotations sasabihin 'aabusuhin yan ng Pinoy.' Pero kapag binasa mo yung bill, may regulations don, hindi yan maaabuso.

"Kapag binasa yung bill, lahat ng kinakatakot ng Pinoy na baka abusuhin natin, baka magamit sa maling paraan, lahat yan explained sa bill," ani Rafael.

Ayon kay Raf, nagsimula ang kaniyang adbokasiya nang masaksihan mismo ang kakayahan ng naturang halaman na pagalingin ang ina mula sa thyroid cancer noong 2009. Nagdalawang isip man noon ang pamilya, naging bukas ang aktor at kaniyang kapatid na subukan ang medical cannabis sa Norway. 

"Since lumaki kami sa Norway na very close to Amsterdam, cannabis is one thing na na-research namin. Nakasulat doon and ang daming testimonies sa internet noong time na 'yon na nagsasabi na nakaka-cure siya ng cancer.

"Hanggang sa gumaling na si mommy, she's [looks] younger than her age. Ang sigla na niya. I've never seen mom this young before," masayang kuwento ni Rafael. 

Suportado ni Rafael ang Philippine Cannabis Compassion Society - PCCS, isang organisasyong tumutulong na ipakalat ang kakayanan at magandang naidudulot ng medical cannabis sa mga komunidad sa Pilipinas. 

"I think if the politicians or the people in position like DOH, Dangerous Drugs Board, and even PDEA, if you read and and research about this plant, I think it will benefit the majority of the people. And I think it's the right way para sa society natin para mag-thrive tayo dahil pagdating sa gamot, gusto nating lahat gumaling," huling pahayag ni Rafael na nanghikayat ding panoorin ang isang dokyumentaryo tungkol sa history ng medical cannabis at kung bakit ito biglang ipinagbawal noon. 

Panoorin ang buong interview dito:

WATCH: Rafael Rosell,nagkuwento tungkol sa kaniyang two-year relationship kasama ang girlfriend

Kasama ang kaniyang kapatid, isang Facebook page din ang pinasimulan ni Rafael, ang 'Halaman,' kung saan ay nagbabahagi sila ng mga educational videos at infographics tungkol sa medical cannabis.