• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ara Mina compares showbiz career to her food and cosmetics business

EXCLUSIVE: Ara Mina compares showbiz career to her food and cosmetics business

Ara Mina, natutunan na maging hands-on sa negosyo dahil sa mga dating naluging business.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/17/2019 1:04 PM
EXCLUSIVE: Ara Mina compares showbiz career to her food and cosmetics business


Photo credit: @therealaramina IG

Bukod sa tatlong branches ng kanyang Hazelberry Café (Don Antonio Heights, Ayala Feliz, at sa Pampanga), nag-venture na rin sa cosmetics business ang aktres na si Ara Mina by creating her own makeup line na tinawag niyang AraColours katuwang ang Ever Bilena.

“Yung Ara’s Secret ko kasi is only skin care products and then dumating nga yung opportunity na magkaroon ako ng sariling cosmetics line.

“Ka-meeting ko na sila matagal na about beauty products pero hindi natuloy. After two years, they decided na makipag-collab sa akin ng cosmetic line. Eh, matagal ko na rin gustong magkaroon ng cosmetic line na sarili,” simulang kuwento ni Ara sa exclusive interview ng PUSH.

Eh, bakit cosmetics line ang naging sunod niyang business?

“Maarte kasi ako, di ba?” bulalas niya. “Kahit sa pag-picture, ‘Ay, ayoko, magulo yung buhok ko, ayusin muna natin.’ Likas akong maarte.

“Kaya nagkaroon din ako ng beauty product kasi mahilig akong mag-lotion, maglagay ng kung anu-ano sa face, do’n yon nagsimula. Hilig ko rin talaga yung mga pampaganda,” paliwanag niya.

Inihalintulad ni Ara sa naging takbo ng kanyang showbiz career ang pag-grow ng kanyang business ngayon.

Salaysay niya, “Talagang nakita ko yung pag-grow ng business ng ko. Nakakatuwa kasi di ba, ang hirap magsimula, tapos minsan talaga mahaba yung pagdadaanan mo bagomo ma-reach yung gusto mo, tulad din sa pag-aartista ko, di ba?

“Nag-passers by ako, nag-talent ako, nag-supporting role, hanggang sa maging bida, so pagdating sa business, pinagdadaanan ko din ngayon yon—na I started from online, angdami kong na-put-up na business before na mga nalugi. Tapos sumasali na rin akosa mga bazaar, talagang kung sa stairs, nagsisimula talaga ako sa pinakamababa na step.

“Tapos nakikita ko na progressive na siya ngayon. Nakakatuwa kasi hindi naman lahat ng tao ay nabe-bless or nagiging successful sa business. Parang nararamdaman ko, nire-reap ko ngayon yung mga paghihirap ko noon.”

Wala din daw sa bokabularyo niya ang mag-give-up sa kahit anong ginagawa kaya raw siya nagtagumpay.

“Kasi pagdating sa business hindi rin ako gumive-up na tulad sa pag-aartista ko na hindi ko rin sinukuan. Oo, medyo matagal yung proseso, madami kang dapat patunayan pero darating din talaga yung time na makikilalaka. Naging award-winning actress ako at naging in demand na leading lady sa pelikula noon,” lahad pa ng aktres.

Malaki rin daw ang pasasalamat niya sa magagandang reviews nanatatanggap niya mula sa mga customers ng kanyang Hazelberry Café at sa pastries na kanyang bine-bake.

“I’m very thankful sa mga customers kasi they keep on messaging me, they keep on giving good reviews sa aking pastries, and until now naman ini-improve ko yung craft ko.

“Nag-i-enrol ako, nag-aaral ako kung paano mag-decorate ng cakes. Sa pagbe-bake kasi wala na naman akong problem, eh, sa pagde-decorate ngcakes gusto kong ma-perfect,” sabi pa niya.

Patuloy ng aktres, “Yung mga failure na pinagdaanan ko dati,  yon yung naging learning experiences ko. Kasi before, parang nag-i-invest lang ako, tapos hindi ako hands-on.

“Ngayon, ultimo pagbe-bake, sa construction, kahit pagbili ng bombilya o ilaw, chairs hands-on ako, katulong ko yung partner ko.”