• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai Delas Alas, naghahanda na magkababy sa susunod na taon

Ai-Ai Delas Alas, naghahanda na magkababy sa susunod na taon

Ai-Ai Delas Alas, nagbigay ng ilang detalye tungkol sa planong magpa-IVF next year.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/17/2019 12:47 PM
Ai-Ai Delas Alas, naghahanda na magkababy sa susunod na taon


Photo credit: @msaiaidelasalas IG

Desididong magbuntis si Ai-Ai Delas Alas sa 2020 kaya balak niya munang magpahinga sa showbiz.

Lahat ng mga natanguan niyang projects ay ginawa na niya ngayong 2019 including the comedy film And Ai Thank You at ang isa pang Regal Entertainment movie na D’ Ninang next year pa ipapalabas.

“Lahat tinatapos  ko na, kahit yung pang-Mother's Day ko, tinatapos ko na ngayon. Pero magpo-promote pa rin ako no’n next year kasi patay ako kay Mother (LilyMonteverde) kapag hindi ako nag-promo,” kuwento niya.

Ibinahagi rinng Comedy Queen ang balitang nakahanap na sila ng asawa niyang si Gerald Sibayan ng embryo para sa gagawing IVF o in-vitro fertilization procedure.

Aniya, “May embryo na kami, yehey! Dito sa Pilipinas gagawin yung IVF procedure.

“Kaya magbabakasyon talaga ako, hindi ko na iri-risk. Kailangang mag-bed rest talaga ako.”

Positibo si Ai-Ai sa kalalabasan ng kanyang IVF kaya hindi raw muna nila kino-considerang magkaroon ng surrogate mother na katulad ng ginawa nina Korina Sanchez at Mar Roxas pati na rin ni Joel Cruz.

“Ita-try komuna na ako, kapag hindi kaya, kapag hindi naging successful… but I hope,mabait ang Diyos. Alam ko na magiging successful. aka lang ako magre-resort sa surrogacy.

“Healthy naman ako, eh, super healthy. Alam ko na kakayanin ko,” positibo niyang pananaw.

Masaya rin daw ang kanyang mga anak na magkakaroon sila ng bagong kapatid.

“Excited sila. Kahit naman ako, excited na ako,” reaksyon niya.

“Kaya lang siyempre, kailangang mag-work. Marami kasi akong binubuhay. Siyempre, hindi ko naman kailangang iwan ko lahat kay Gerald.

“Hindi niya kayang siya lang mag-isa. Marami akong binubuhay. Mga yaya ko, driver ko, sino ang magpapa-suweldo sa kanila kapag tumigil ako,” lahad pa niya.

Sa huling pahayag ni Ai-Ai sa PUSH ay malamang daw na isang taon lang naman siyang magpapahinga sa showbiz.

“Sandali lang naman yon. Mabilis naman ang araw kaya hindi n’yo mamamalayan na nakabalik narin ako agad,” pahayag pa niya.