• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao, napa-throwback sa childhood dahil kay Mikmik

Shaina Magdayao, napa-throwback sa childhood dahil kay Mikmik

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/16/2019 12:51 PM
Shaina Magdayao, napa-throwback sa childhood dahil kay Mikmik


Napapanood si Shaina Magdayao sa morning teleserye na Nang Ngumiti Ang Langit bilang si Nurse Grace.

Ayon kay Shaina, timing ang pagpasok ng kanyang papel sa Kapamilya morning series dahil naghahanap ang mga manonood ng tatayong nanay ni Mikmik na lead character ng programa.

 

 

“Siguro secret muna, hanggang doon na lang muna pwede natin sabihin that I’ll be one of the protectors of Mikmik. Let’s see kung ano mangyayari sa amin ni Sir Michael,” sabi pa ni Shaina.

Dahil mga bata ang kanyang madalas na mga ka-eksena ngayon, napa throwback pa si Shaina na nagsimula bilang child star noon.

“Kung ano ang edad ng mga bata na ka trabaho ko ngayon yun din ang edad ko when I was working with him so finally naka trabaho ko siya ulit,” kuwento pa ng aktres. Ang tinutukoy ng aktres ay ang kanilang director na si Erick “FM” Reyes na nakatrabaho niya noong bata pa siya.

 

 

Para kay Shaina, malaking breather daw ito matapos ang mabibigat na role na magkakasunod na binibigay sa kanya.

“Usually di ba mabibigat ang mga roles ko so now I’m happy dahil puro mga angels ang kasama ko sa set,” pahayag pa ni Shaina.

Napapanood ngayon araw araw sa Nang Ngumiti Ang Langit si Shaina bago mag It’s Showtime.