Rafael Rosell at Yen Santos, bagong love team na nga ba?

Magpapakilig sina Rafael Rosell at Yen Santos sa bagong episode ng ‘Maalaala Mo Kaya.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/16/2019 12:23 PM
Rafael Rosell at Yen Santos, bagong love team na nga ba?


Aminadong madaling naging kumportable agad sa isa't-isa sina Rafael Rosell at Yen Santos para sa kanilang kauna-unahang pagtatambal sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, August 17. Sa panayam ng PUSH sa dalawa, ikinuwento nila ang unang impresyon sa una nilang pagkikita sa taping.

"Ang saya kasi isa si Raf sa naka-work ko na sobrang gaan. Hindi talaga kami nagkaroon ng ilangan, hindi siya na-intimidate kasi siguro yung presence niya parang ambait [niya] tapos parang nagkaroon din talaga na makapag-bonding dahil magkasama kami sa tent.

"Nung sinabi na si Rafael yung makakasama ko dito, na-excite ako kasi ano rin sa akin na isa ako sa mga unang makakatrabaho niya sa pagbalik niya," kuwento ni Yen.

Sa hiwalay na interview, inamin naman ni Rafael na kinabahan siya nang unang malamang si Yen ang makakapareha niya para sa episode. "Nung na-meet ko naman siya sa set kinabahan ako nang konti, pero nung nag-'Hi' na siya tapos nagkuwnetuhan na kami tapos nung nagpapatawa na siya, parang na-break yung ice tapos naging sobrang kumportable ako," paliwanag ng aktor.

"The way na nag-connect yung characters namin ni Yen, feeling ko ganon rin nag-connect kami ni Yen sa totoong buhay. Kasi she's so easy to work with, very professional at walang arte. I want to work with her for sure," pagpapatuloy ni Rafael.

Tungkol ang kuwento sa pag-iibigan ng isang American at isang kasambahay ang episode ng MMK. Dagdag ni Raf, para sa mas magandang representasyon ay nagpakulay pa siya ng buhok para sa karakter niya. "I don't usually do anything fancy with my hair. Pero gusto ni direk na magpakulay para maging iba at actually it works, nung nakita ko itsura ko sa screen 'I feel a little bit more American' parang ganon," ani Rafael. 

 

READ: Balik-Kapamilya Rafael Rosell, bibida sa bagong teleserye kasama sina Bea Alonzo at Richard Gutierrez

Mapapanood ngayong Sabado ang episode nina Rafael at Yen, na My Lovely Nanny