• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Heart Evangelista, naranasang ma-bully noong high school

PANOORIN: Heart Evangelista, naranasang ma-bully noong high school

Kumakain ako sa CR.’ Ito ang nakakagulat na kwento ni Heart Evangelista nang balikan niya ang kanyang naging karanasan bilang biktima ng bullying noong high school.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/16/2019 12:06 PM
PANOORIN: Heart Evangelista, naranasang ma-bully noong high school


Photo credit: @iamhearte IG

"Kumakain ako sa CR."

Ito ang nakakagulat na kuwento ni Heart Evangelista nang balikan niya ang kanyang naging karanasan bilang biktima ng bullying noong high school.

Sa kanyang guesting sa vlog ng Internet sensation na si Mimiyuuuh nitong Agosto 9, ibinahagi ng 34-year-old actress na ito mismo ang naging dahilan kung bakit siya nauwi sa pagho-home school.

"Kaya rin ako nag-stop. Nag-home study ako kasi hindi ko na kayang kumain sa CR. Oo, kumakain ako sa CR,” aniya. “Di nila ako bet, lalo na ‘yung mga higher batch." 

Kuwento pa ni Heart: “Inuutusan ng magagandang girls ‘yung classmates ko na huwag didikit sa akin, ganyan."

Nang mabanggit naman ng kanyang mga kasama kung baka "insecure" lang sa kanya ang mga ito, patawang sagot ng star: “Di naman siguro… Charot, di ko alam!”

Matatandaang noong 2018 nang magbahagi si Heart ng screenshot ng mensaheng natanggap niya mula sa kanyang dating bully kung saan ito humingi ng tawad. 

READ: Taong nam-bully kay Heart Evangelista noon sa school, nag-sorry sa aktres

Samantala, panoorin ang buong kwento ni Heart dito: