• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino, bumilib kay Kathryn Bernardo sa ‘Hello Love Goodbye’: “One of her best, if not her best ever”

Kris Aquino, bumilib kay Kathryn Bernardo sa ‘Hello Love Goodbye’: “One of her best, if not her best ever”

Hindi napigilan ang pag-iyak, pinuri rin ni Kris si Alden Richards na siyang ka-partner ni Kathryn sa pelikula: “It was such a perfect team-up.”

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/16/2019 6:45 PM
Kris Aquino, bumilib kay Kathryn Bernardo sa ‘Hello Love Goodbye’: “One of her best, if not her best ever”


Photo credit: @krisaquino IG (L)

Hindi mapigilang maiyak ni Kris Aquino matapos panoorin ang pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Sa kanyang vlog entry sa Facebook nitong Biyernes, sinabi ng tinaguriang Queen of All Media na lumabas siya sa sinehan na “magang maga” ang kanyang mga mata.

Obviously, I love the movie That’s the proof of how much I cried. Naubos halos lahat [ng tissue],” aniya.

Ibinahagi rin ni Kris kung ano ang nagustuhan niya sa pelikula.

“Bimb and I were in unison doon sa line na, 'I don't plan to be your future, but I can be your now,” aniya. "True, I really reacted to that. I just could not stop crying."

Samantala, todo puri rin si Kris sa performance at chemistry ng mga bidang sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Pagpapatuloy niya, “From someone who saw Kath when she was still a teenager, this is excellent work. One of her best if not her best ever, one of the best movies I've seen in so long. And si Alden was so perfect with Kath. It was such a perfect team-up.

This is definitely more than five [stars] for me. One of, sincerely from my heart, isa sa pinakamagandang pelikula ng Star Cinema na napanood ko in all these years, even from the time I was in ABS-CBN.”

Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, umiikot ang Hello, Love, Goodbye sa love story ng dalawang overseas Filipino workers na si Joy, isang domestic helper, at Ethan, isang bartender, sa Hong Kong.

Nitong linggo lang ay ibinalita ng Star Cinema na pumalo na sa higit P500 million ang kita ng pelikula.

READ: ‘Hello, Love, Goodbye’ hits 400M of box office earnings

Sa ngayon ay mapapanood pa rin sa mga sinehan ang Hello, Love, Goodbye.