Is he Karla Estrada’s new ‘inspiration?’

Spotted sa ilang larawan ang tila kulitan ni Karla Estrada at ng non-showbiz guy sa naganap na anibersaryo ng gastro pub business ni Daniel Padilla.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/16/2019 12:43 PM
Is he Karla Estrada’s new ‘inspiration?’


Blooming at bakas ang mga ngiti sa mata ng Magandang Buhay host na si Karla Estrada.

Si Karla ang isa sa punong abala sa ikalawang taon na anibersaryo ng negosyo ng anak na si Daniel Padilla.

 

Matatandaan na isa si Daniel sa mga business owner ng bar and restaurant na District 8 Manila kasama sina James Yap, Francis Zamora, Mark Pingris, Vice Ganda at iba pa.

READ: Who were at the opening of Vice Ganda, Daniel Padilla & friends’ gastropub?

Dahil sa mga kinang sa kanyang mga mata, hindi naiwasan na maitanong sa Magandang Buhay host kung ano na ang lagay ng kanyang puso ngayon.

“Masaya!” kinikilig na sagot ni Karla.

Sa pagpupumilit ng ilang miyembro ng entertainment press nang gabing iyon, hindi nakaligtas sa mga larawan ang isang non-showbiz guy na tila malapit kay Karla.

Sa pagpupumilit ng ilang miyembro ng press, sinabi ni Karla na suportado siya ng kanyang mga anak pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

“Yung mga anak ko ever since, supportive sila kasi never naman ako ‘yung talagang nagkakalat, ‘di ba?”

“I’m very private with [my] love life,” aniya pa.

At kung tatanungin naman kung nagpapayo pa ba ang kanyang mga anak sa kanyang buhay pag-ibig, sagot ni Karla “Hindi na” masaya niyang pahayag.

Sa huli, mas pinli ni Karla na isapribado pa din ang aspeto ng kanyang buhay pag-ibig sa publiko.