EXCLUSIVE: Yen Santos ‘exclusively dating someone’ now

‘Basta happy naman,’ matipid na sagot ni Yen Santos matapos kumpirmahing kasalukuyang may dine-date siya ngayon.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/16/2019 12:33 PM
EXCLUSIVE: Yen Santos ‘exclusively dating someone’ now


Photo credit: @ysantos IG

Naging matipid man sa iba pang detalye, ibinahagi ni Yen Santos ang masayang estado ng kaniyang love life habang kasalukuyang nasa "exclusively dating" stage. Sa eksklusibong panayam kinumpirma ito ni Yen sinabi nitong, "Yes, pero kasi ngayon parang... basta happy naman."

Ayon kay Yen, mas pinipili niyang maging pribado at tahimik ang kaniyang buhay pag-ibig lalo na sa social media. "Meron namang nagpapasaya [sa akin] of course, siguro hindi lang ako masyadong [open] sa social media kasi parang mas okay na yun yung natitirang privacy. Kasi minsan yung ibang tao, kapag may mga magagandang nangyayari sa iyo, nasisira. Mas okay na yung tahimik lang, para lang hindi na magulo," paliwanag nito.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

everything beautiful comes with pain. roses have thorns, don't they? 🥀

A post shared by YS (@ysantos) on

 

Sa paherong panayam, ibinahagi rin ni Yen ang mga natutunan at magandang nadulot ng kaniyang social media hiatus kamakailan.

"Marami akong nagawa. Mas nakatutok ako, mas nakapagbasa ako ng books, nakanood ako ng mga movies, napuntahan ko yung mga friends ko na hindi ko na nakakausap dati. So alam mo yun, nagkaroon ako ng buhay ko nang totoong nangyayari sa akin," paliwanag niya.

Maaalalang kamakailan ay nagdesisyong mag social media break si Yen nang halos tatlong linggo, kasabay ang pagtatapos ng kaniyang nakaraang teleserye na Halik

READ: Yen Santos, ipinaliwanag ang pagpahinga niya mula sa social media

Muling idiniin rin ni Yen na wala siyang pinagdadaanan sa mga panahong nag-deactivate siya ng Instagram.

"Alam mo hindi ko alam na ganun na kalaki yung effect ng social media sa isang tao, na once na nag-deactivate ka or parang nagbago ka lang ng feed iisipin na nila mayroon kang pinagdadaanan," sabi ng aktres.

Pagpapatuloy ng aktres, saka niya lang din na-realize na isang magandang "detox" din ang pagde-deactivate ng social media.

"Dumating sa point na everyday paggising mo gusto mong icheck na lang yung phone mo, icheck yung Instagram mo, icheck yung Twitter, so parang [ako] 'Marami pang mas importanteng bagay kaysa unahin iyan.

"Dun ko rin naisip na pang-detox na rin talaga siya. Sakto rin yung pag-delete ko ng Instagram," ani Yen. 

READ: Yen Santos wows with new look

Mapapanood sa darating na Sabado, August 17, si Yen para sa bagong episode ng Maalaala Mo Kaya, kung saan ay makakatambal niya ang balik Kapamilya na si Rafael Rosell sa unang pagkakataon.