Aiko Melendez, inamin ang sikreto ng kanyang pagpayat

Inamin ni Aiko Melendez na conservative ang kanyang boyfriend at nag-rereact sa kanyang pananamit.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/16/2019 11:13 AM
Aiko Melendez, inamin ang sikreto ng kanyang pagpayat


Photo credit: @aikomelendez IG

Inamin ni Aiko Melendez sa press na totoong super conservative ang boyfriend niyang politician na si Zambales Vice Governor Jay Konghun. Nagagalit daw ito madalas kapag kita na ang cleavage sa suot niyang damit.

“Oo. Nagagalit siya. Tulad sa suot ko ngayon, text nang text sa akin,” natatawang kuwento ng award-winning actress.

Patuloy ni Aiko, “Hindi ko kasi alam kung bakit lately, ang bilis ng pagpayat ko. In those three days, I lost another 3 lbs.

“So, ‘yung damit na dalawa na sinukat ko, ganyan kalaki, ang luwang ng damit. Eto na ‘yung pinakakasya sa akin. Kaso nga lang, ang catch, ang baba ng cleavage.

“Sabi ko, paano ang gagawin ko, eh last minute? Eh ‘eto na, isasalang na ako, wala akong susuutin. So, sana, maintindihan niya.”

Dahil sa pagka-conservative ng boyfriend ay kailangan din daw niyang ipagpaalam ang mga sexy photos na ipo-post niya sa kanyang social media account.

“Conservative siya, oo. ‘Yung pictorial ko sa IG (Instagram), Diyos ko, ilang beses kong pinaalam sa kanya ‘yun na, ‘ano lang, for a change.’ Kaya nga ako nagpapayat, para makita ng tao’t mawala na sa utak ng tao na mataba ako dati, di ba?

“Pinaghirapan ko ‘to, tapos ayaw niyang pakita ko? Ano yon? Hahaha!” sambit pa ni Aiko.

Kapansin-pansin nga na malaki talaga ang ipinayat ni Aiko. Nang tanungin namin kung ano ang sikreto ng pagiging slim niya ngayon, wika niya, ire-reveal din naman daw niya ang sikreto nito very soon.

“In the coming days, ire-reveal ko ‘yan. Malalaman nila bakit, paano at kung may mga tsansa pa ‘yung mga gustong magpapayat,” bitin niyang pahayag.

Pero nilinaw ng aktres na walang science involved dito at hindi raw siya dumaan sa karayom.

“Walang science involved ‘to. Basta malalaman n’yo rin in the coming weeks,” dagdag niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

To be successful, The first thing to do is fall in love with your work ❤️ Monday!

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on

Ayon pa sa aktres, she lost 25 lbs. in a span of 6 months nang pagpapayat at nakadagdag pa raw sa kanya ang stress nitong nakaraang election.

Aniya, “I think, ‘yun ang pinaka-effective, eh – stress diet. Kaya salamat du’n  sa kalaban namin sa eleksyon, dahil ‘yung diet ko po, galing sa ‘yo,” natatawang pag-amin ng aktres.