• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz sa kaniyang mga anak: ‘Nung nahiwalay ako, parang mas naging mas malapit pa sila sa akin’

Sunshine Cruz sa kaniyang mga anak: ‘Nung nahiwalay ako, parang mas naging mas malapit pa sila sa akin’

Ayon kay Sunshine Cruz, mas naging bukas at malapit ang relasyon niya sa mga anak noong nahiwalay siya sa kaniyang ex-husband.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/15/2019 1:33 PM
Sunshine Cruz sa kaniyang mga anak: ‘Nung nahiwalay ako, parang mas naging mas malapit pa sila sa akin’


Photo credit: @sunshinecruz718 IG

"No secrets" na daw ang celebrity mom na si Sunshine Cruz sa kaniyang mga anak simula nang nakipaghiwalay ito sa ex-husband niyang si Cesar Montano noong 2013. Sa kaniyang guesting sa episode ng Magandang Buhay nitong Miyerkules, August 14, ikinuwento ni Sunshine ang bukas at mas malapit na relasyon niya sa mga anak ngayon.

"Since 2013 nung nahiwalay ako sa ex-husband ko noon, [nagkaroon] kami ng promise sa isa't-isa ng mga anak ko, 'no secrets' na kung anuman yung mga nararamdaman nila, kung sino naman ang mga crushes nila, kung sino man ang friends nila. They tell me, and vice versa. 

"Sabi ko sa kanila, 'Anak, sino ba naman ang iba pang magmamalasakit at magtuturo sa inyo ng tama, siyempre ang nanay ninyo dahil ayaw ko kayong masaktan,'" kuwento ni Sunshine. 

READ: EXCUSIVE: Angelina Cruz approves of mom Sunshine Cruz’s boyfriend Macky Mathay: ‘It’s really obvious that he makes her happy’

May tatlong anak si Sunshine na sina Angelina, Samantha, at Angel. Magkakasama ngayon ang tatlong anak sa poder ng ina. 

"Basta nung nahiwalay ako, parang mas naging mas malapit pa sila sa akin. I think kasi mas na-appreciate, and I think mas napahalagahan nila yung pagiging nanay ko, nakita nila yung pagsa-sakripisyo ko sa kanila at pagmamahal ko. So I think it helped talaga," dagdag ni Sunshine nang tanungin kung gaano siya ka-bukas sa kaniyang mga anak. 

READ: Is Sunshine Cruz wearing an engagement ring?

READ: Sunshine Cruz shares why she won’t bring boyfriend Macky Mathay to the ‘Malamaya’ premiere

 

 

Samantala, sa parehong interview din ay napag-usapan ang papel ng isang ina sa mga heartbreaks na nararanasan ng mga anak. 

"Tinuturuan ko kasi ang mga anak ko ng self-worth nila. So I think pag pinaasa sila. Ibig lang sabihin that guy does not deserve my children, because they know their self worth," paliwanag ni Sunshine. 

Hindi naman lihim ang relasyon ni Sunshine sa half-brother ni Ara Mina at anak ng dating kongresista, si Macky Mathay. 

Bumida si Sunshine Cruz kamakailan sa isa sa mga Cinemalaya Film Festival entry na Malamaya. Nakatambal niya rito si Enzo Pineda.