• Home
  • Fresh Scoops
  • Returning Kapamilya Geoff Eigenmann, pinagmalaki ang pagiging tatay at pagiging faithful fiancé

Returning Kapamilya Geoff Eigenmann, pinagmalaki ang pagiging tatay at pagiging faithful fiancé

‘Now, hundred percent faithful and honest with her’: Geoff Eigenmann on his relationship with fiancée Maya Flores.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/15/2019 1:10 PM
Returning Kapamilya Geoff Eigenmann, pinagmalaki ang pagiging tatay at pagiging faithful fiancé


Photo credit: @blushmaya IG

Sa Tonight with Boy Abunda, positibo para kay returning Kapamilya Geoff Eigenmann ang muling pagsasama nila ni Kapamilya star Maja Salvador. “(The) Killer Bride is the perfect venue for Maja and I to be partnered right now kasi sobrang laki na ng pinagbago namin,” ani Geoff. 

Isa sa mga tinutukoy na pagbabago ni Geoff ay ang pagiging ama niya sa mga anak na sina Arabella at Augustus. “They’re my angels. Sobrang my perspective in life has totally changed. I’m learning the world all over again through their eyes,” buong pagmamalaki ni Geoff sa mga anak. 

LOOK: 18 Photos from Geoff Eigenmann's daddy diaries

Hands on din si Geoff bilang ama. “Very, very hands on, especially with my firstborn Arabella. We didn’t get a yaya until she was 8 months old,” kwento ng aktor. 

Sa pangalawang baby naman daw na si Augustus ay mas handa na sila bilang parents ng kanyang fiancée na si Maya Flores; at meron na rin daw yaya na tumutulong sa kanila sa pag-alaga kay baby Augustus. 

LOOK: Geoff Eigenmann and partner welcome second child
 
Kung pagiging faithful naman sa fiancée ang pag-uusapan, pinagmalaki ni Geoff na 100 percent faithful na siya ngayon. “Now, hundred percent faithful and honest with her. And lahat ng bagay napag-uusapan namin and naiintindihan namin ang isa’t isa,” sabi ni Geoff. 

READ: Geoff Eigenmann announces engagement to Maya Flores