• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadia Montenegro, emosyonal na ikinuwento ang pinagdaanang 'suicide attempts' ng anak noon

Nadia Montenegro, emosyonal na ikinuwento ang pinagdaanang 'suicide attempts' ng anak noon

‘Heartbreaks are not just because of love, [sometimes] it's because they lost a parent,’ ayon kay Nadia Montenegro.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/15/2019 11:51 AM
Nadia Montenegro, emosyonal na ikinuwento ang pinagdaanang 'suicide attempts' ng anak noon


Hindi napigilan maging emosyonal ng celebrity mom na si Nadia Montenegro sa episode ng Magandang Buhay nitong Miyerkules, August 14, nang mapag-usapan ang pinagdaanang depresyon ng isa sa kaniyang mga anak. Ayon kay Nadia, hindi naging madali ang "grieving process" ng isang babaeng anak matapos namayapa ang asawa noong February 2017. 

"Dalawang taon nang nawala daddy nila and kaniya kaniya kami ng grieving [process]. Hanggang sa last year tinawag ako ng guidance counselor ng school. Sabi nila may napapansin sila sa anak ko. 

"She's 13, she tried to take her life five times. Heartbreaks are not just because of love, [sometimes] it's because they lost a parent. So naging mahirap," kuwento ni Nadia sa mga momshie hosts. 

READ: Paulo Avelino, inaming tinangkang magpakamatay dahil sa depresyon

Teresa Loyzaga, nanghihikayat na pag-usapan ang depression, nagbigay ng update sa anak na si Diego

Para kay Nadia, ang naturang pagsubok ay ang pinakamasakit na naranasan niya pagkatapos ng pagkamatay ng dating Caloocan mayor na si Macario “Boy” Asistio. 

"Nung nasa bahay kami tinatanong ko, 'Baby why did you do that?' Sabi niya, 'I just want to be with daddy.' Sabi ko, 'You know the only thing you need to do is pray to God. Alam mo naman na kapag we take our life hindi tayo mapupunta sa langit.'” patuloy na kuwento ni Nadia habang sinusubukang punasan ang mga luha. 

Nag-iwan din ng kaniyang advice ang resident Relational Life Coach at Psychologist ng programa na si Dr. Ali Gui, tungkol sa usapin ng suicide attempts at depression. 

"Self harming is a sign, its a red flag. Pag nakita na natin ang anak natin, hindi na ma-control, tuluy-tuloy na ang depression - may 2 weeks up to 2 months nang continuous ang sadness, naaapektuhan na ang kaniyang ugali, pagkain, pagtulog, palaging mainitin ang ulo, mag-ingat na tayo. Those are the red flags for depression. 

"Kung nakikita niyo nang ganyan [ang anak], the best way is to bring your child to the nearest professional. Kasi kailangan nating ma-diagnose right away siya kasi hindi natin mabibigyan ng tamang therapy kung hindi natin ma-diagnose nang tama," pagpapaliwanag nito. 

Matapos ang pagku-kwento ni Nadia, proud naman niyang ibinida ang magandang pagbabago ngayon ng anak niya. 

"Alam mo, Praise God, yung anak ko na nag-try mag-suicide, tapos na po siya sa School of Discipleship, magpapastora na po siya," huling pahayag ni Nadia. 

Nitong July 14, ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram ang pagtatapos ng anak na si Ayisha sa nabanggit na kurso. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

You are glorified Lord! 🙏❤️ Thank you so much for today Jesus!!! CONGRATULATIONS 🎉🎈 To my “soon to be” Pastor @ayisha.asistio for completing your School Of Discipleship 1. So proud to be called your mom baby! What a transformation! From a daddy’s girl, a depressed & suicidal child and now you are saved and a true believer and follower of our Lord Jesus Christ! As a parent, there is nothing else i can ask for. You and your 7 siblings are a reflection of my life’s purpose...to serve.. you 8 are my inspiration and my heroes! #SchoolOfDiscipleship #FoundationsClass #Lifegiver #Puso #asistiosiblings #MyLife #myeverything #ToGodBeAllTheGlory

A post shared by Nadia montenegro (@officialnadiam) on

 

A group in the Philippines is dedicated to addressing those who have suicidal tendencies. The crisis hotlines of the Natasha Goulbourn Foundation aim to make these individuals feel that someone is ready to listen to them.

These are their hotline numbers:

(02) 804-HOPE (4673)
0917 558 HOPE (4673)
2919 (toll-free number for all GLOBE and TM subscribers)