• Home
  • Fresh Scoops
  • Maris Racal, sa kakumpetisyang pelikula ni Sue Ramirez: ‘Wag niya masyadong galingan’

Maris Racal, sa kakumpetisyang pelikula ni Sue Ramirez: ‘Wag niya masyadong galingan’

Imbes na mag-pokus sa kumpetisyon sa Pista Ng Pelikulang Pilipino, nananatiling masaya si Maris Racal para sa kaibigang si Sue Ramirez dahil sa mga sunod-sunod na proyekto nito.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/15/2019 11:16 AM
Maris Racal, sa kakumpetisyang pelikula ni Sue Ramirez: ‘Wag niya masyadong galingan’


Photo credit: @mariesteller @sueannadoodles IG

Masaya para sa isa't-isa ang matalik na magkaibigan na sina Maris Racal at Sue Ramirez, dahil sa parehong pinagbibidahang pelikula nila ay kasapi sa malaking film festival sa Pilipinas, ang Pista Ng Pelikulang Pilipino.

Sa bloggers conference ng I'm Elenya L nitong Martes, August 13, nakuhang magbiro ni Maris nang mapag-usapan ang mabubuong kumpetisyon sa kanila ni Sue.

"Wag niya masyadong galingan. Masyadong matapang yung movie niya e, so magtatapang tapangan din kami as vlogger-vlogger kami. Sa kaniya iba naman yung genre so okay lang," pahayag ni Maris na isang vlogger o social media influencer sa pelikula.

READ: EXCLUSIVE: Sue Ramirez sa kaniyang bagong pelikulang ‘Cuddle Weather’: ‘It opens up your mind’

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ube-keso 💜💛 Styled by @ryujishiomitsu

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles) on

 

Gaganap namang bilang sex worker si Sue Ramirez sa pelikulang Cuddle Weather, kung saan ay makakatambal niya si RK Bagatsing. 

Ayon kay Maris hindi nila masyadong iniisip ang "competition" at napag-uusapan lang nila ang kani-kaniyang ginagawa para sa pagpo-promote. 

"Natutuwa kami para sa isa't-isa. I'm very happy for her, ang dami nga niyang movie. It's a blessing and also a chance na mag-hit talaga, ganyan," pagpapatuloy ni Maris. 

Naging usap-usapan sa social media ang kakaibang paraan ng pagpo-promote ng pelikulang I'm Elenya L, lalo na't nitong nakaraan ay naglabas sila ng isang "vlog-inspired" material kung saan ay tinangkang interbyuhin ni Maris si Mayor Isko Moreno. 

Kasunod nito, maglalabas pa raw ang team ng pelikula ng iba't-ibang at hiwalay na materyal para sa promotion ng I'm Elenya L. 

READ: Maris Racal gets ‘starstruck’ as she meets Isko Moreno up-close

Samantala, nang tanungin naman ng press si Maris kung sino ang mga pinapanood niyang mga vloggers, pinili nito sina PewDiePie (isang Swedish YouTuber na may 99 million subscribers) at Mimiyuuuh. 

READ: Maris Racal, may panghihinayang ba sa tambalang MarNigo?

Mapapanood ang I'm Elenya L at Cuddle Weather simula sa September 13.