• Home
  • Fresh Scoops
  • Heaven Peralejo, umalma sa isyung ginamit ang credit card ng ex na si Jimuel Pacquiao

Heaven Peralejo, umalma sa isyung ginamit ang credit card ng ex na si Jimuel Pacquiao

Heaven Peralejo, umalma sa isyung ginamit ang credit card ng ex na si Jimuel Pacquiao

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/15/2019 12:45 PM
Heaven Peralejo, umalma sa isyung ginamit ang credit card ng ex na si Jimuel Pacquiao


Photo credit: @heavenperalejo @heavenlyangelsofc_ IG

Sa ulat ng Bandila, klinaro ni Heaven Peralejo ang mga isyung naglabasan matapos niyang aminin ang breakup nila ni Jimuel Pacquiao, anak ni pambansang kamao at Senator Manny Pacquiao. 

READ: Heaven Peralejo, sa hiwalayan nila ni Jimuel Pacquiao: ‘It’s time to let go’

Ayon kay Heaven, hindi totoong ginamit niya ang credit card ni Jimuel pambayad ng grocery ng pamilya. “Hindi naman po kasi totoo. Gusto ko lang i-clarify yung sa grocery. Never happened yun. ‘Di ko alam ,‘di rin kami nag-grocery together,” paglilinaw ni Heaven.

WATCH: Heaven Peralejo, pinabulaanang marami siyang natanggap na regalo mula kay Jimuel Pacquiao

Isa pa sa isyung sinagot ni Heaven ay hindi raw boto sa kanya ang parents ni Jimuel. “Okay din naman kasi with the family, also with Tita Jinkee and Tito Manny. Sila rin naman kasi nagsabi na okay naman,” ani Heaven.

“And ako naman kasi ayoko rin manligaw yung guy kung hindi accepted din ng parents,” dagdag pa ni Heaven. 

Kumusta naman kaya ng puso ngayon ni Heaven matapos ang breakup? “Okay naman, I’m focusing on myself. I’m loving myself,” sagot ni Heaven. 

Hindi rin nagsalita si Heaven kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ng ex. “Siya na lang tanungin niyo,” giit niya.