• Home
  • Fresh Scoops
  • Geoff Eigenmann admits, ‘I still feel like a fat kid right now’

Geoff Eigenmann admits, ‘I still feel like a fat kid right now’

Returning Kapamilya Geoff Eigenmann, conscious pa rin hanggang ngayon dahil sa pagkakaroon ng speech problem at pagiging obese noon.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/15/2019 1:00 PM
Geoff Eigenmann admits, ‘I still feel like a fat kid right now’


Sa Tonight with Boy Abunda, binalikan ni returning Kapamilya Geoff Eigenmann ang first ever teleserye niyang Hiram, na umere noong 2004 sa ABS-CBN. Isa rin ang Hiram sa mga hit series ng naturang network. 

Inamin niya na “big pressure” sa kanya noon ang makatrabaho sina Anne Curtis at Heart Evangelista.  Nakadagdag pa raw sa pressure ang pagiging anak ng mga batikang artistang sina Michael De Mesa at Gina Alajar. Bukod dito, naging issue rin noon para kay Geoff ang kanyang low self-esteem. “During those times, I came from being obese. I was over 200 pounds before I went into show business, so low self-esteem was there,” ani Geoff. 

Hanggang ngayon ay may epekto pa raw kay Geoff ang pagiging “obese” niya noon. “I still feel like a fat kid right now, even though people are telling me that I’ve lost so much weight and I look so good,” kwento ng aktor. 

“Mentally, physically, I still feel that my gut is there,” dagdag pa ni Geoff. 

Aminado rin si Geoff na nagkaroon siya ng speech problem at hanggang ngayon ay conscious pa rin daw siya dito. “Very much conscious. I honestly think, physically I have a big tongue. It’s wide,” ani Geoff. 

Malaking tulong daw para kay Geoff ang pag-undergo niya ng speech therapy. “But when I took speech therapy classes…  Now, I make it a point to speak clearly and slowly,” kwento ni Geoff. 

Mapapanuod si Geoff sa bagong Kapamilya seryeng The Killer Bride kasama si Kapamilya star Maja Salvador. 

READ: Geoff Eigenmann, umaming may pressure sa cast ng ‘The Killer Bride’